City News

Motorsiklo, sumalpok sa tricycle; isa, sugatan

By Ma. Snyrah NiƱa Pascua

January 19, 2019

Isa ang sugatan sa nagganap na banggaaan sa pagitan ng isang motorsiklo at tricycle ganap na ika-9 ng umaga sa National Highway, Bgy. San Miguel lungsod ng Puerto Princesa noong ika-16 ng Enero.

Dinala ang drayber ng motorsiklo sa ospital dahil sa mangilan-ngilan nitong tinamong sugat mula sa aksidente.

Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police, ang motorsiklo ay diretsong binabaybay ang National Highway ng Bgy. San Miguel patungo sa Junction 1.

Samantala, ang tricycle naman ay nanggaling sa San Juan Road at patungo sa National Highway ng Bgy. San Miguel.

Nang hindi sinasadya, pumaliko bigla pakanan ang tricycle sa lugar na pinagyarihan ng aksidente na nagdulot sa pagkakabangga nito sa motorsiklo.

Naging sanhi ito ng pagtamo ng pisikal na pinsala sa drayber ng motorsiklo kaya ito ay isinugod sa ospital.