City News

Nag-iisang Filipino juvenile masked booby sa Tubbataha, natagpuang wala nang buhay

By Lexter Hangad

January 26, 2021

Ikinalungkot ng Tubbataha Management Office (TMO) nang matagpuang patay ang nag-iisang Filipino masked booby sa Tubbataha Reefs Natural Park, noong Enero 21, 2021.

Ayon sa post ng Tubbataha Reefs Natural Park and World Heritage Site, napansin umano ng mga rangers sa mismong lugar ang isang adult masked booby na nakaapak sa anim (6) na buwang masked booby na handa na sanang lumipad.

“Our hopes to reestablish the Masked Booby population in Tubbataha are once again dashed – a sad turn of events.”

Dagdag pa nito, hindi rin umano nakitaan ng anumang pinsala sa katawan ang ibon, maliban na lamang sa nakitang dugo sa may mismong tuka nito.

Samantala nananawagan naman sa mga esksperto ang pamunuan ng Tubbataha Management Office (TMO) na tulungan umano sila na matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng ibon.