Sinampahan na ng kasong Direct Assault ang lalaking nagpanggap na anak ng alkalde ng bayan ng Kalayaan matapos itong manuntok ng traffic enforcer sa Barangay San Pedro kahapon, Hulyo 25.
Kinilala ang suspek na si Ronald Feria Del Mundo, may asawa, 40 anyos at residente ng Barangay Sta. Monica.
Habang ang biktima ay si Emmanuel Magay Dador, 32 anyos, Traffic Enforcer at residente ng Barangay Model.
Ayon sa police report, habang nagsasagawa nang patrolya ang biktima sa lugar ay nakita nito ang dalawang kasamahan na traffic enforcers na pinapahinto ang suspek na nagmamaneho ng isang top down, ngunit sa halip na huminto ito ay kumaliwa pa ito papasok ng Pineda Road at nakipaghabulan pa sa mga traffic enforcer.
Rason ng paghuli sa suspek ay lumabag umano ito sa batas matapos umano nitong dumaan sa National Highway sa Barangay San Pedro kung saan ipinagbabawal ito sa kasalukuyang batas.
Nang maabutan ito ng biktima ay agad na nagpakawala ng suntok si Del Mundo ng dalawang beses sa traffic enforcer dahilan upang arestuhin nila ito.
Discussion about this post