Inalmahan ng mga negosyante sa Puerto Princesa City, Palawan ang nakatakdang pagtaas ng taripa sa pier batay sa pagpupulong na ginananap ika-10 ng Disyembre nakatakdang magsumite ng petition ang samahan ng mga negosyante dahil sa walang public hearing na naganap at hindi makatarungan ang nasabing pagtaas ng taripa.
Ayon Kay Mr. Arjie Lim ng Puerto Princesa City Chamber of Commerce, mariin nilang tinututulan ang pagtaas ng walang public hearing naganap at hindi rin makatarungan para sa lahat ang pagtaas ng taripa na aabot ng 700 percent ng Prudential Customs Brokerage Services, Inc.
Mariing naming tinututulan sa kadahilanang hindi makatarungan ang taas ng kanilang increase, pangalawq walang public hearing na naganap ditto po sa atin [Puerto Princesa], pangatlo it will affect hindi lang po ang negosyante kung hindi ang buong mamayan ng Puerto Princesa at Palawan,” ani ni Lim.
Posibleng maging triple ang pagtaas tulad ng asukal at iba pang pangangailangan ng 100 percent na mula P10.00 ay aabot ito ng P20.00 at ma-aari din madagdag presyo sa mga semento, bakal na aabot ng 700 percent mula sa P4.00 ay aabot na ng P30.00.
Dagdag pa ng negosyante makakaapekto hindi lang ang mga negosyante pati na ang mamamayan ng Palawan.
“Dahil ang increase na ito aya ipapataw utimateliy sa dulo o end consumer kaya ito po ang habang ng Puerto Princesa Chamber of commerce at ang mga negosyante dito na i-oppose ang increase,” dadag ni Lim
Ayon sa PCBSI, naging basehan nila umano ang inilabas ng PPA batay sa administrative order na maari silang magtaas ng singil sa taripa kadahilanan narin sa pagtaas ng singil sa kanila ng PPA.
Hindi naman malinaw sa kanila kong anong naging basehan ng PPA sa pag nag taas ng taripa.
Posible naman ipatupad ang pag taas ng taripa sa katapusan ng Disyembre o sa Enero 2022.
Nakatakda naman idulog sa City Government ang hinaing ng samahan ng PPC chambers of commerce at ng mga negosyante ang usapin.