City News

Negosyante, arestado sa buy-bust operation

By Gilbert Basio

January 28, 2021

Nadakip ng mga awtoridad ang isang negosyante sa kanilang drug buy-bust operation kahapon, Enero 27, sa New Buncag Road, Brgy. Mandaragat, Puerto Princesa City.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang suspek na si Phil Kristian Billones Y Brillo, 33 anyos, dalaga at residente sa BM Road, Brgy San Manuel, Puerto Princesa City.

Nakumpiska sa kanya ang dalawang (2) plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na higit-kumulang 1.700 grams at buy bust money.

Samantala si Billones ay itinuturing na pang 10 sa listahan ng lalawigan ng Palawan may kaugnayan sa ilegal na droga. Nahaharap ito sa kasong palabag sa Section 5, Article II ng Republic act 9165 o Comprehensive Dangerous drug Act of 2002.