“Tila nakatali ang ating mga kamay maging ang pamahalaang national.”
Ganito inilarawan ni Board Member Ryan Maminta ang sitwasyon ng pamahalaan sa ilalim ng ipinatutupad na Republic Act No. 8479 o Downstream Oil Deregulation Act.
“Wala tayong nakikitang paraan para mapigilan ito (ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo) sapagkat tayo ay nasa ilalim ng isang alituntunin may kinalaman doon sa Downstream Oil Industry Deregulation law noong 1998. Na kung saan binigyan ng higit na kalayaan ang ating mga oil companies may kinalaman doon sa pagpresyo ng produktong petrolyo. Lalo’t higit ang DOE para doon sa isyu ng transparency sa pagpresyo ng produktong petrolyo,” pahayag ni Palawan 2nd District Board Member Ryan Maminta.
Dahil dito suportado umano ni Maminta ang pag-amyenda sa nasabing batas upang magkaroon ng pangil ang gobyerno sa pagbabantay sa tamang presyo nito sa bansa.
“Sumuporta din tayo sa panawagan at sa pagkilos na sana amyendahan na yung Downstream Oil Industry Deregulation law para sa mas kapakinabangan ng mga mamamayan. Na kung saan mag-lead doon sa transparency, mag-lead doon sa fair competition that eventually lead to lower prices of fuel in the Philippines.”
Ayon kay Jake Dumancas, motorista sa bayan ng Roxas, Palawan, mas makakatulong sa pamahalaan at sa mga ordinaryong mamamayan kapag binago na ang nasabing batas, upang pigilan ang mga kumpanya ng langis sa sobrang pagpresyo ng kanilang mga produkto.
“Oo [payag ako na amyendahan ang Downstream Oil Industry Deregulation law], para magkaroon ng power ang pamahalaan sa pagkontrol sa mga kumpanya ng langis, para mas mabantayan ang presyo nila. Mayroon talaga nagsasamantala na mga kumpanya ng langis kasi parang ang bilis at ang laki naman ang itinataas ng presyo nila, “
Samantala sa Senado ay nakabinbin pa mula noong August 6, 2019 ang Senate Bill No. 686 ni Senator Ralph Recto na may titulong ‘TO PROMOTE FAIR TRADE IN THE OIL INDUSTRY AND FOR OTHER PURPOSES, AMENDING REPUBLIC ACT NO. 8479, OTHERWISE KNOWN AS THE “DOWNSTREAM OIL DEREGULATION ACT OF 1998,’