Photo courtesy of puertoprincesa.ph / JCDL

City News

P140M para sa pagsasaayos ng RVM Sports Complex na pagdadausan ng Batang Pinoy, kasado na

By Leila Dagot

June 02, 2019

Inaprubahan na ng Committee on Appropriations ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang pondong nagkakahalaga ng P140M para sa pagsasaayos ng Ramon V. Mitra, Jr. Sports Complex.

Ito ay bilang paghahanda sa idaraos na Batang Pinoy National Finals sa darating na Agosto kung saan ang Puerto Princesa ang siyang napiling host ng palaro.

Sa regular na sesyon ng konseho, inilatag sa plenaryo ko Konsehal Modesto Rodriguez, pinuno ng committee on appropriations ang paghihimay-himay ng nasabing halaga sa mga gagawing proyektong.

Pinaglalaanan dito ang konstruksyon ng bagong pool na nagkakahalaga ng halos P30M; konstruksyon ng covered gym at bleachers kung saan isasagawa ang mga larong badminton court, table tennis at sepak takraw na may mahigit P49M pondo. Mahigit P19M naman ang inilaan sa pagsasaayos ng volleyball court.

Sasailalim din sa pagsasaayos at pagpipintura ang main grandstand, na may inilaang mahigit P10M; konstruksyon ng mga palikuran at paliguan.

Samantala, ang nabanggit na halaga ay lumpsum badyet ng City Engineering Office (CEO) sa taong 2019.

Ayon kay Rodriguez, bago pa man ang naging aksiyong ng Sangguniang Panlungsod, nauna na itong pinag-aralan at inaprubahan ng City Budget Office. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Editor’s Note: Photo courtesy of puertoprincesa.ph / (JCDL) Jan Charlee Ligad has originally appeared in the photo caption, however it does not reflect in the Facebook Instant Article when viewed through mobile.