City News

Pagbibigay ng fuel subsidy sa PUV drivers, pinag-uusapan sa City Council

By Jane Jauhali

March 14, 2022

Pinag-uusapan ngayon sa City Council ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga pampublikong sasakyan lalo na sa mga tricycle driver.

Nais ng lehislatura na madaliin na ang pagbibigay ng subsidy ng Pamahalaang Panlungsod dahil lubos na umanong apektado ang mga namamasada.

Ayon kay Konsehal Peter Maristela, kailangan nang madaliin na maibigay ang subsidy sa mga pampublikong sasakyan bago magsimula ang local campaign period sa March 25, 2022.

Sinang-ayunan nama nni Mayor Lucilo R. Bayron ang resolusyon ni Damasco na magkaroon ng subsidy ang mga driver ng pampublikong sasakyan dahil na rin sa pagtaas ng produktong petrolyo.