Ibinahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagtaas ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng Palawan simula noong 2020 at ang posibleng maging IRA sa susunod na taon 2022.
“Ang IRA po natin ngayon (2021) ay P3.5 billion, last year (2020) P3.1 [billion] po yan, ibig sabihin po by 2022 yung IRA po natin tumataas…ang computation po niyan ay nasa P3.9 billion o puwede mo i-round off kasi kunti na lang ang kulang magiging P4 billion yan, yun po ang pinaka-internal revenue natin,” pahayag ni Winston Arzaga, Palawan Provincial Information Officer.
Ayon pa kay Arzaga, sa susunod na taon 2022 ay ipapatupad na ang desisyon ng korte suprema kaugnay sa Mandamas Doctrine, dahil malaking umano ang makukuha na parte ng Palawan kapag tatlo ang probinsya kompara sa kasalukuyang isa lamang.
“Ang kagandahan dito, sa 2022 pasok na yung full implementation ng Mandanas decision ng Sumpreme Court. Itong Mandanas, simple lang ang sinasabi niyan…yung lahat ng LGU ay dapat may parte sa lahat ng national taxes, in-announce yan sa Supreme Court , sabi ng Supreme Count i-implement yan sa 2022, diba suwerte ng tatlong probinsya natin?”
Dagdag pa ni Arzaga, sa kasalukuyang ipinapatupad na hatian ng pondo ay dehado ang mga maliliit na lalawigan kumpara sa mga malalaking probinsya, dahil maliit lang ang mapunpunta sa kanila. Subalit sa pamamagitan ng Mandanas decision ng korte ay pantay-pantay na ang ibibigay na pondo sa bawat lalawigan sa buong bansa.
“Because of Mandanas decision ito po ay madadagdagan ng P2 billion…on top of that mayroon pa tayong tinatawag na equal sharing, papaano ba itong equal sharing? Ito po ay galing sa ating Internal Revenue [Allotment] kasi ang batayan diyan sa equal sharing ay yung population at land area, kaya yung maliliit na probinsya kawawa naman, patay na patay diyan sa population at land area. Kaya nag-create pa ng isang sistema sa paghahati ng pondo to be equal sharing, dito po sa equal sharing yung lahat ng probinsya, big or small parepareho po ang kikitain niyan, 81 provinces yan ngayon ang naghahati-hati, tayo po ay isang share lang diyan,”
“Kung tatlo tayo makikiparte doon, mas malaki ang papasok sa atin kasi nga madadagdagan tayo ng dalawang parte doon sa 81 provinces…automatic yun, so makikita mo ang diperensya sa pondo,”
Siniguro naman ng Provincial Government na wala dapat ikatakot ang mga mamamayan dahil kakayanin umanong magsarili ng Palawan Del Sur, Palawan Oriental at Palawan Del Norte.
“Ito pong usapang pananalapi, ito po ay matinding pinag-aralan yan, hindi po kami ang nag-aral niyan, ito pong Bureau Local Government Finance pinakita po yan na talagang valuable ang ating 3 probinsya. Huwag tayong matakot kayang-kaya po nating magsarili bilang mga probinsya .”(PR)