Nakahanda na ang Pamahalaang panglunsod sa nalalapit na IRONMAN 70.3 na magsisimula sa November 13, 2022.
Ayon kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron, ang nalalapit na IRONMAN ay posibleng mag-aangat ng Turismo at Ekonomiya sa Puerto Princesa dahil inaasahan na mahigit 1,200 minimum na mga atleta ang darating para sa competition.
“Posibleng maibalik ang dati nating tourism arrival at yung ating ekonomiya, ini-expect na 1,200 minimum ang magpapartisipante,” sabi ni Bayron.
Nasa 896 narin mula nung araw ng lunes ang nagparehistro na mas mataas ang bilang ng Puerto Princesa kesa sa Cebu kung saan ginanap ang IRONMAN noong nakaraang taon.
Inaasahan din ng pamahalaang panglunsod na maari pang lumagpas sa kanilang inaasahan na 1,200 na mga atleta dahil bukod pa kasi sa kanila kasama rin ng mga ito ang kanilang pamilya, kaanak, kasintahan, at posible rin dadayuhin ng mga manonood mula sa ibat-ibang karatig na bansa ang IRONMAN 70.3.
“Meron ng nag signify galing United States Of America, Singapore at iba pang bansa na darating manonood,” dagdag ni Bayron
Nag-umpisa narin magbook ng 1,200 na rooms sa mga hotel sa Puerto Princesa para sa mga athletes. Maging ang mga kainan, restaurant ay posible rin dadagsain ng mga bibisita sa lungsod.
Hinihiling naman ni Mayor Bayron sa lahat ng mamamayan na pagtulungan maging matagumpay ang aktibidad dahil malaking tulong ito sa pag-angat muli ng turismo at ikonomiya ng Puerto Princesa.
Ang Iron Man 70.3 ay isang long-distance triathlon na kung saan ang “70.3” ay nangangahulugan ang kabuohang distancsya [miles] ng kompetisyon.
Ayon kay Princess Galura, President at General Manager of IRONMAN Philippines, matagal na umano nila ito pinaghahandaan at gustong ilunsad ang nasabing aktibidad katuwang ang City Government at limitado lang sa 1,600 ang p-puwedeng lumahok umano dito.