Tataas na nga P2 kada tatlong kilometro ang P10 singil sa pamasahe sa tricycle bawat pasahero.
Ito ay matapos na aprobahan ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansa na may titulong, “An Ordinance Amending Section 2 of Ordinance No. 1129, otherwise known as The New Tricycle Fare Ordinance of Puerto Princesa City of 2021,” na isinulong ni Konsehal Nesario Awat sa 17th regular session sa Sangguniang Panlungsod.
Ayon kay Awat, unang nagkaroon ng referral sa Committee on Transportation kaugnay sa kahilingan ng pagtaas ng pamasahe sa traysikel sa lungsod ng Puerto Princesa na nauna nang isinumite sa City Franchise and Regulatory Board (FRB) ang kahilingan ng pagtaas bago gumawa ng aksyon ang Konsehal.
Sinabi ng may akda…”Bago natin ito inaksyunan ay ini-endorso muna natin sa City FRB dahil nasa ordinansa ng syudad na ini-increase of tricycle fare ay dapat mayroon recommendation ang City FRB, eventually nagkaroon ng aksyon at inadopt naman yung increase na more or less yung request for increase of tricycle fare in the City.”
Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon na ng public hearing at final conclusion na ipatupad ang recommendation ng City FRB.
Paliwanag pa ng konsehal tinanggal ng City FRB ang 25 sentimos na dagdag sa singil sa additional fare kilometer na dapat ay 2.25 sentimos kada kilometer.
Dagdag pa ng konsehal wala namang pagtutol sa mga mamamayan dahil tumaas ang presyo ng gasolina sa lungsod kung kaya’t kailangan ding kumita ang sector ng transportasyon.
Samantala, nagpalabas din ng babala sa mga namamasada ng traysikel na nananamantala sa taas ng singilin, dahil maaari silang ireklamo ninuman.
Nabatid na nakapaloob sa ordinansa na kailangang may nakapaskil na fare matrix sa loob ng tricycle maging ang hotline ng (City FRB) para mabilis na mabibigyang aksyon ang kada reklamo ng pasahero sakaling may ginawang kamalian ito sa pamamsada.
Bilang pangwakas na pahayag, sinabi ni Awat…”Adjusted napo ang pagtaas ng pamasahe sa atin sa siyudad dahil hindi naman po stable yung pagtaas ng gasolina pag bumaba ang gasolina baba din ang pamasahe, at yan po ay may bracket at nakalagay din po sa ordinansa na dapat ay nakapaskil sa loob ng mga tricycle ang fare, pangalawa ay dapat mayroon hotline number na ilagay para sa reklamo (ng) yung mananakay sakali na may mag abuso na driver (na) may kinalaman dito.”