ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Panukalang batas vs. political dynasties, suportado ng Puerto Princesa City Council

Estrella Miranda by Estrella Miranda
August 29, 2018
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Maristela, isiniwalat ang dahilan ng pagbitiw bilang membro ng mayorya

Photo Credit: Puerto Princesa City Website

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Inaprubahan sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang resolusyong mariing sumusuporta sa pagsasabatas ng Senate Bill No. 1765 na magbabawal sa political dynasties.

Ayon kay City Councilor Peter Maristela na siyang pangunahing may akda ng resolusyon, layunin nito na maipahayag ang suporta sa pagpapasa ng batas laban sa political dynasty na isinusulong ngayon sa Senado.

RelatedPosts

City ENRO expands i-Tree to protect urban green spaces

Palawan Capitol undergoes renovation to preserve history and enhance functionality

Ordinance to utilize idle lands for agri production pushed

“Itong resolusyong ipinasa natin ay pagpapakita na ayaw talaga natin ng political dynasty, second degree of consanguinity or affinity, sabay-sabay na pagtakbo sa pulitika ng mag-asawa, mag-ama, mag-ina, mag lolo o magkapatid, maganda ito, magiging limited na ang sakop ng political dynasty at para sa atin ay realistic na ito,” ani Maristela.

Binigyang diin sa resolusyon ang probisyon ng 1987 Constitution kung saan nakasaad ang pagbibigay ng garantiya sa pantay na oportunidad sa serbisyo publiko at pagbabawal sa political dynasty.

“Nasa constitution na ito eh. Iyong pagtiyak na mabigyan ng equal access sa pulitika ang mga Filipino, di pa nai-de-define ng constitution kung ano ang political dynasty kaya kinakailangan ng batas, pero consolidated na ito kaya magandang nasuportahan natin,” dagdag pa ng konsehal.

Bagama’t ang paghahain ng resolusyon ay pamamaraang pagpapahayag ng sentimiyento, aminado si Maristela na may mga pulitiko sa lungsod at lalawigan na natatamaan ng panukalang batas dahil sa sitwasyon.

“Dito sa atin may mga ganyang sitwasyon. May mga pulitiko na matataas ang posisyon papatakbuhin ang asawa, anak at sabay silang tatakbo. Meron niyan dito sa atin kaya palagay ko mahalagang sinuportahan natin ito na siya rin namang sentimiyento ng mga mamamayan natin,” aniya pa.

Aminado naman si Konsehal Modesto Rodriguez ll na hindi siya sang-ayon sa isinusulong na panukalang batas, bagama’t aniya, hindi niya tinutulan ang inihaing resolusyon sa konseho sapagkat iyon ay isang pamamaraan ng pagpapahayag ng sentimiyento.

“Hindi naman ako nag object dahil sentiment ‘yon ng kasamahan nating konsehal pero nag-request ako na alisin ang pangalan ko as one of the authors,” tinuran ni Rodriguez.

Paliwanag ni Rodriguez, sa kaniyang pananaw ay walang malalabag na probisyon ng batas kung ang mag-asawa, mag-ama na pareho o sabay na iniluklok ng taong bayan sa posisyon sa gobyerno sa pamamagitan ng pagboto at hindi itinalaga lamang o ini-appoint.

“Bagamat totoo na ‘yan ay nasa ating Saligang Batas pero kung mapapansin niyo, dito kasi sa iprenesenta nila, di natin alam ang intensiyon ng mga nagpasa ng batas, kasi sinasabi dito, ‘di pwedeng kumandidato ng sabay ang mag asawa o ang anak at magulang eh para sa akin, that is an elected position, hindi naman ito appointed position at ang taong bayan ang nagdesisyon dyan,” pahayag ni Rodriguez sa panayam ng Palawan Daily News.

“Tandaan din natin ang probisyon sa batas na Right of Suffrage, ibig sabihin may karapatan tayong bumoto at iboto, magiging taliwas ito doon sa panukalang batas,” dagdag pa ng opisyal.

Isa pa sa tatlong hindi sumang-ayon sa resolusyon si Konsehal Victor Oliveros. Katulad ng naging katayuan ni Rodriguez, naniniwala siyang walang dynasty kung ang pagpili aniya ng isang namumuno ay sa pamamaraan ng isang demokratikong proseso at malinis na pamamaraan na mamamayan ang pumipili na mamuno sa pamahalaan.

Aniya, kapag ang batas ay hindi nagbigay ng pantay na oportunidad sa isang indibiduwal, ay tila binalewala na rin nito ang karapatan ng lahat.

“When justice denied to a certain person, justice denied to everybody. Pag pinagbawalan mo ang isang tao na sumunod sa yapak ng magulang, wala nang opportunity don..maliban nalang kung apat na nagsabay sabay na sa pulitika,” ani Oliveros.

“Bakit di na lang natin tingnan ‘yong nawawalan na ang opportunity dahil sa sobrang yayamang tao na wala nang pagkakataon ang mga maliliit? Pag sinabi kasing equal opportunity, dapat lahat ng indibidual nabibigyan ng karapatan. Kasi equal opportunity ang dahilan natin eh, walang monopolya sa demokratikong proseso,” pahayag pa ng konsehal. (EM/PDN)

Tags: Political Dynastypuerto princesa city
Share213Tweet133
Previous Post

EKSLUSIBO: Pulis ng Mendoza PNP, sangkot sa pambubugbog ng isang residente

Next Post

City Gov’t, dismayado sa maling pahayag ng PNP; City council, inihantulad ito sa fake news

Estrella Miranda

Estrella Miranda

Related Posts

City ENRO expands i-Tree to protect urban green spaces
City News

City ENRO expands i-Tree to protect urban green spaces

June 22, 2024
Palawan Capitol undergoes renovation to preserve history and enhance functionality
City News

Palawan Capitol undergoes renovation to preserve history and enhance functionality

June 5, 2024
Idle lands
City News

Ordinance to utilize idle lands for agri production pushed

May 29, 2024
Green Justice Hall now in Puerto Princesa
City News

Green Justice Hall now in Puerto Princesa

May 16, 2024
‘Ugnayan sa barangay’ returns to serve 13 rural barangays in Puerto Princesa
City News

‘Ugnayan sa barangay’ returns to serve 13 rural barangays in Puerto Princesa

May 14, 2024
Barangay Mandaragat holds weekly coastal cleanup activity
City News

Barangay Mandaragat holds weekly coastal cleanup activity

May 7, 2024
Next Post
City Gov’t, dismayado sa maling pahayag ng PNP; City council, inihantulad ito sa fake news

City Gov't, dismayado sa maling pahayag ng PNP; City council, inihantulad ito sa fake news

Residente ng Narra, patay matapos aksidenteng mabaril ng kasama

Residente ng Narra, patay matapos aksidenteng mabaril ng kasama

Discussion about this post

Latest News

Column: if you’re not dead, God’s not done

60 detainees in pueto princesa cast thier ballots in 2025 midterm elections

May 16, 2025
Column: if you’re not dead, God’s not done

Some palawan voters left without party-list choices after ballot errors

May 16, 2025
Column: if you’re not dead, God’s not done

Column: if you’re not dead, God’s not done

May 16, 2025
Iwahig prison set to build p90-m agri-camp for children in conflict with the law

U.s. and philippine end balikatan exercises with strong warning to regional threats

May 13, 2025
Iwahig prison set to build p90-m agri-camp for children in conflict with the law

With 11 towns declared rabies-free, palawan eyes total eradication

May 13, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14949 shares
    Share 5980 Tweet 3737
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11135 shares
    Share 4454 Tweet 2784
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10255 shares
    Share 4102 Tweet 2564
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9628 shares
    Share 3851 Tweet 2407
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8784 shares
    Share 3514 Tweet 2196
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing