Pinasalamatan ni Board Member Ryan D. Maminta ang National Headquarters ng Philippine Coast Guard sa pamumuno ni Commandant Admiral George V. Ursabia matapos pumayag na itayo ang PCG Academy sa Bgy Apurawan sa bayan Aborlan, Palawan.
Ginawa ito ni Maminta sa naganap na ika-7 Special Session ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw, February 10,2021.
“We would like to express our gratitude also to the Philippine Coast Guard for choosing the province of Palawan particulary Barangay Apurawan in the Municipality of Aborlan as its location for the establishment of this [Philippine Coast Guard] academy” ani BM Maminta.
Ayon pa kay BM Maminta, maliban kay Gobernador Jose Chavez Alvarez ay nakatanggap rin siya ng sulat mula sa punong himpilan ng PCG kung saan nakalagay ang pasasalamat ni Admiral Ursabia sa Sangguniang Panlalawigan at kay Gobernador Alvarez dahil sa ipinasang resolusyon na sumusuporta sa pagtatayo ng PCG Academy.
“Wherein, informing us and expressing the gratitude and appreciation for the iniative and the passing of Provincial Resolution No. 15397 of series of 2020, authored by this representation and co-authored by all members of this Sangguniang Panlalawigan Members, to the effect of urging the Philippine Coast Guard, to consider the establishment of Philippine Coast Guard Academy of the Republic of the Philippines at barangay Apurawan, municipality of Aborlan, province of Palawan” dagdag pa ni BM Maminta.
Sa sulat umano ay nakasaad na ang PCG Academy Steering Committee and Technical Working Group, ay nagkaroon ng mga pagpupulong kung saan humantong sila sa desisyon na ang lugar sa bayan ng Aborlan ay mainam na pagtayuan ng PCG Academy.
“The PCG Academy Steering Committee and Technical Working Group, the working arm of PCG in establishment of PCG Academy, had a series of meetings to arrive with an objective and judicious decision for the location of said institution. Based on thorough discussion/brain storming and careful deliberation, the committee found out that Aborlan, Palawan is deemed to be more feasible, sustainable, and acceptable location interms of both physical and strategic location of the envisioned site for the PCG Academy” ani Admiral Ursabia sa liham.
Sinabi pa ni BM Maminta na ang barangay Apurawan sa bayan ng Aborlan ay siya na ring irerekomenda ng PCG sa senado at kongreso kung saan dinidinig ngayong ang panukalang batas na pagtayayo ng PCG Academy.
“The Philippine Coast Guard given credence to the parameters and qualifiers as to the measurement of feasibility, suitability and acceptability of the location. And as given the province of Palawan particularly the municipality of Aborlan as is final reccomended location for the Philippine Coast Guard Academy to the House of Representative and the Senate wherein right now the bill proposing the establishment of Philippine Coast Guard Academy is being deliberated” dagdag pa ni BM Maminta.
Plano umano niya na magpasa ng isang resolusyon bilang pasasalamat sa pamunuan ng PCG. Samantala, pinuri at pinalakpakan naman ng kaniyang mga kasamahan sa provincial board si BM Maminta dahil sa tagumpay ng kaniyang ipinasang resolusyon.