‘Pekpek shorts,’ pwedeng-pwede suotin sa Puerto Princesa

0
545
Contributed photo
- Advertisement -

Walang nakikitang masama ang City Government sa pagsusuot ng mga banyagang turista ng tinatawag na “pekpek shorts” dito sa lungsod.

Ayon kay City Tourism Officer Ailyn Cynthia Amurao, ang pagsusuot ng maikling shorts ay maituturing na summer attire kung saan maging mga Pilipino ay nagsusuot nito.

Sinabi pa ni Amurao na hindi rin ito ipinagbabawal sa Anti-nudity Ordinance ng Puerto Princesa kaya okay lang na suootin ito.

Iginiit ni Amurao na tanging mga halos kita na ang mga private parts ng isang babae ang ipinagbabawal ng ordinansya.

Matatandaang noong mga nakalipas na araw ilang turista ang namataan sa lunsod na nakasuot ng pekpek shorts kung saan halos nakalabas na ang dalawang pisngi ng puwet at bahagyang halata ang camel toe.

- Greetings -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here