Isinailalim sa lockdown ang Palawan National School matapos sumailalim sa Antigen Test ang lahat ng mga guro at lumabas na siyam sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19 araw ng Sabado, Enero 15.
Ayon sa source ng Palawan Daily, agad namang naglunsad ng kanya-kanyang home isolation ang mga gurong nag-positibo.
Dagdag niya, lahat sila ay fully-vaccinated at nananatiling asymptomatic. Inaasahan na magtatapos ang isolation period ng siyam na positibo sa darating na Linggo, Enero 23.
Oras na matapos ang isolation ay isasailalim muli sa testing ang siyam na mga guro.