Bilang kauna-unahang Regional Medical School sa MIMAROPA, buong kasiyahang pinangunahan ni Gov. Victorino Dennis M. Socrates ang paglagda sa Letter of Commitment bilang pagsuporta sa pagtatatag ng School of Medicine sa Palawan State University.
Isinagawa nitong ika-26 ng Enero, 2023 sa Governor’s Conference Room ang ceremonial signing na sinaksihan ng ilang opisyales ng Commission on Higher Education (CHED) sa pangunguna ni Commissioner Dr. Jo Mark Libre kasama sina CHED Regional Director Atty. Joselito Alisuag, opisyales ng Palawan State University sa pangunguna ni University President Dr. Ramon Docto, kinatawan ng tanggapan ni Sen. Francis Escudero, kasama sina Provincial Administrator Atty. Jethro Palayon at Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco.
Tutulungan ng Kapitolyo ang Provincial Hospital (Ospital ng Palawan) na ma-upgrade bilang Level III Hospital upang magsisilbing “base hospital” ng mga medical students na mula sa PSU School of Medicine.
Nabatid mula sa nagging pahayag ni CHED Commissioner Dr. Libre, “I brought this matter before the CHED Commission En Banc because in the province of Palawan there is no medicine program offering and “Doktor para sa Bayan” is an urgent call to allow our students to really avail this kind of educational intervention. For the record, the Commission En Banc is very supportive in terms of the establishment of the new School of Medicine that will be placed in Palawan.”
Nagagalak namang nagpahayag ang PSU President Dr. Ramon Docto, “To the Provincial Government, malaking tulong ito sapagkat makatutulong tayo sa ating mga estudyante… I have been in different municipalities in Palawan at nakita ko talaga na kulang ang mga doktor kaya noong sinabi ni Gov, ‘with the help of PSU ay magkaroon na tayo ng malaking tulong sa health [sector]’ so thank you very much Gov for supporting us and Palawan State University is very grateful for your help.”