Photo by Michael Escote / Palawan Daily News

City News

Comelec mobile registration, nagsimula na

By Michael Escote

September 19, 2019

Sininulan na ng Commission on Elections o Comelec Puerto Princesa ang kanilang Mobile Satellite Registration sa mga unibersidad dito sa lungsod.

Ayon kay Atty Ferdinand Bermejo, City Comelec Officer, kahapon ay nagsagawa sila nito sa Palawan State University Main Campus kung saan umabot sa 178 students ang nagparehistro habang ngayong araw ay nagpapatuloy ang kanilang Mobile Sattelite Registration sa Western Philippines University, Puerto Princesa City Campus.

Target umano nila dito ang mga mag-aaral at mga guro na hindi pa nakarehistro, nais lumipat ng rehistro, magpa-reactivate at may mga correction.

Kaugnay nito sinabi naman ni Ericka Bundal ,19, residente ng Bgy San Jose, Puerto Princesa City at kumukuha ng Bachelor of Science in Hospitality Management sa WPU na natutuwa siya dahil mayroong ganitong program ang Comelec at hindi na siya mahihirapan pang makipagsisksikan sa pila sa tanggapan ng Comelec sa City Colisuem.

“Mabuti pumunta ang Comelec dito sa school para mas madaling maka-avail ang mga students at responsilibidad natin kasi as voter na magparehistro,” ani pa ni Bundal.

Kinumpirma naman ni Bermejo sa September 24, 2019 ay muling magkakaroon ng Mobile Registration sa Robinson Place Palawan na magsisimula 10:00 A.M. hanggang 5:00 P.M.

Sa kabuuan umabot na umano sa 6,902 ang nagparehistro sa City Comelec simula nang magbukas ang pagpaparehistro noong August 1,2019.