Kalaboso sa piitan ang sinapit ng lalaki na hindi na pinangalanan ng awtoridad na may live-in partner at residente sa Old Buncag, Barangay Mandaragat, matapos magsagawa ng entrapment operation ang Police Station 1 at Police Station 2 sa isang lodging house sa Barangay Maunlad lungsod ng Puerto Princesa ganap na 12:30 ng tanghali ika-22 ng Pebrero.
Dumulog sa tanggapan ng PNP ang biktima na isang estudyante na residente sa Bayan ng Quezon at pansamantalang naninirahan sa Barangay Sta. Lourdes, na na-hack umano ang kanyang Facebook Account at nagsimula na itong takutin siya na umano’y ilalabas ang kanyang maseselang larawan at videos kapag hindi siya sumunod sa gusto ng suspek.
Kalaunan ay nakatanggap ng mensahe ang kanyang kapatid mula sa Facebook account na ginagamit ng suspek ng mga larawan at videos, nitong Pebrero 22, ganap na 12:30 ng hatinggabi at muling nag-message sa kanya ang suspek na gustong makipagkita nito at humihingi na ng pera at gusto rin umano makipagtalik para daw itigil na nito ang pagpapakalat sa social media ng kanyang mga larawan at video.
Nagsagawa agad ng entrapment operation ang awtoridad sa ganap na 12:30 ng tanghali ika-22 sa isang lodge sa Barangay Maunlad, at dito na nadakip ang suspek na hindi nagtagumpay sa kanyang nais mangyari dahil bumulaga na sa kanya ang mga pulis, wala itong nagawa kundi sumama sa kinauukulan.
Nahaharap ngayon sa Violation of Grave Coercion in Relation to Violation of Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at Violation ng Republic Act 9262.
Sa ginawang imbestigasyon ng awtoridad ay napag-alaman din na ang suspek ay dating kasintahan ng biktima.
Paalala naman ng awtoridad lalo na sa mga kabataan ngayon na wag basta basta magtitiwala maging aral din sana ito sa mga kabataan ngayon at wagna wag itong magpapadala ng anumang klaseng larawan lalo na kong ito ay masilan upang makaiwas sa kapahamak at kahihiyan.