Ang nahuling bangka ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa ilegal na pangingisda sa Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, madaling araw ng ika-24 ng Agosto 24, 2018 (PCG Photos).

City News

Limang ilegal na mangingisda, natimbog ng Philippine Coast Guard

By Kia Johanna Lamo

August 25, 2018

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Natimbog ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang ilegal na mangingisda ng Barangay Bancao-Bancao dahil sa pag gamit nito ng compressor, madaling araw ng ika-24 ng Agosto 24, 2018.

Nakilala ang mga mangingisda na sina Rene Ongotan, Joseph Villanueva, Jerick Bartulay, Jovert Tupas at Jacinto Bestis na mga residente rin ng lungsod.

Samantala, napag alaman rin na nakapangalan ang bangka sa nangangalang Irene Colosa.

Nahuli ang mga suspek matapos makapag detect ang bagong anti-terrorism boat o ng barkong “MRRB 4407” ng PCG ang nasabing Bangka. Nang lapitan ito nang mga otoridad ay nakita ang mga limang suspek.

Sa ngayon nasa kustodiya pa ng PCG ang mga ilegal na mangingisda, bangka at compressor na ginamit ng mga ito.

Nakatakda namang itong i-turnover sa Palawan Council for Sustainable Development o PCSD para sa inisyal na imbestigasyon at para sa kasong isasampa sa mga suspek.

Ang paggamit ng compressor ay paglabag sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 129.