LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Binawi ng Public Information Office (PIO) ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang inilabas na impormasyon ni PNP Chief Oscar Albayalde na nagsasabing kabilang ang lungsod ng Puerto Princesa sa listahan ng mga lungsod na nasa labas ng Metro Manila na hot bed ng shabu at dami umano ng mga nangyayaring krimen.
Sa press statement na inilabas ni P/Sr. Supt. Benigno Durana Jr., maliban sa lungsod ng Puerto Princesa ay nawala sa inilabas na panibagong listahan ang Olongapo City at Angeles City.
Nananatili naman sa listahan ang Naga City na ika-anim sa total crime volume mula January hanggang July 2018.
Ang Naga City ay sinundan ng Mandaue City, Iloilo City, Santiago City at Cebu City.
Ang inihayag ng PNP Chief ang pagkakasama ng Puerto Princesa City sa tinaguriang hot bed ng shabu at dami umano ng mga nangyayaring krimen ay kontra sa inilabas na ulat ng PNP noong Mayo na nagsasabing rank 3 ang siyudad sa safest o pinakaligtas na lungsod sa bansa dahil sa mababang crime incident.
Kaugnay nito, sa press statement ni Acting PIO Durana ay inako nito ang pagkakamali sa paglalabas sa maling impormasyon at humingi ng dispensa sa idinulot nitong inconvenience lalo na sa tatlong siyudad kasama ang Puerto Princesa.
Sa press conference na ipinatawag ng City Anti-Crime Task Force (CATF), City Police Office, inilatag nito ang kasalukuyang crime situation ng siyudad kung saan makikitang bumaba na lamang sa 137 ang index crime kumpara noong 2017 na 214 sa mga buwan ng January hanggang July.
“If you look out the crime volume bumaba naman tayo sa Puerto Princesa this is January to July if you compared to 2017 and 2018 dalawa yan index crimes at non- index crimes, index crime 2017 is 214, pagdating naman sa 2018, 137 nalang so bumaba tayo ang pinaka importante diyan na talagang binabantayan ng ating mga awtoridad yong index tulad na lamang ng Rape,murder,homicide,theft, robbery, motor napping carnapping,” paliwanag ni P/Senior Supt. Ronnie Cariaga, direktor ng PPCPO.
Aminado naman si City Information Officer, head ng CATF Richard Ligad na nabahala ang city government sa naunang inilabas na isyu ng PNP.
“It is very alarming pero ano ba ang ibig sabihin no’n noong inilabas uupo at iiyak na lamang tayo, habang nagproprotesta tayo dahil sa maling data na inilabas, kaya kailangan natin ngayon ang media para maipakalat sa publiko na mali ang naunang statement ng PNP na kasama tayo sa top 5,”ani Ligad.
“Alam naman natin na madalang pa sa patak ng ulan yong mga crime incidence dito sa atin. alam din natin la akong tanong dun. Nais natin bigyan ng klaro na ung mga droga na nahuhuli dito sa atin sa Puerto Princesa ay hindi dito ginagawa sa lungsod at hindi dito ang pinanggalingan kundi sa iba’t ibang lugar na nahuhuli naman ng mga awtoridad,” dagdag pa ng opisyal. (Imee Austria/PDN)
Discussion about this post