Problema sa kuryente sa Palawan, mababawasan bago matapos ang 2019 — PRRD

0
130
Ipinapangako ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mga mamamayan ng Palawan na bago matapos ang taon ay malilimitahan na ang oras (ng brownout) at maaari na ring mabawasan ang mga pagka-abala dulot nito. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)
- Advertisement -

Ipinangako ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mamamayan ng Puerto Princesa at Palawan na bago matapos ang taong 2019 ay mababawasan na ang problema sa kuryente sa buong lalawigan.

“Ipinapangako ko na bago matapos ang taon ay malilimitahan na ang oras (ng brownout) at maaari na ring mabawasan ang mga pagka-abala”, ito ang pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ginanap na campaign rally ng PDP Laban kagabi sa Puerto Princesa City Coliseum.

Tinutukoy dito ng Pangulo ang problema sa kuryente ng Palawan na kanya nang unang binatikos ng siya ay bumisita sa Puerto Princesa noong Nobyembre 10, 2018 bilang panauhing pandangal sa Subaraw Festival.

Ayon pa sa Pangulo, isinama niya si Department of Energy (DOE) Sec. Alfonzo Cusi sa kanyang biyahe sa Palawan upang kung sakaling tanungin ito tungkol sa isyu sa enerhiya ay masasagot nito.

Hindi rin nakalimutan ng Pangulo ang naging pangako niya nang siya ay bumisita sa lungsod na magkakaroon ng katugunan ang problema sa kuryente ng lalawigan.  Ayon pa kay Pangulong Duterte, inaasahan na bago matapos ang taon ay matatapos na rin ng DOE at ng Shaihai Electric ang kanilang pag-aaral tungkol sa problema ng kuryente.  (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

- Greetings -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here