Hindi na nakapalag ang ilan sa mga tricycle driver sa bahagi ng Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa, matapos na maaktuhan ang kanilang mataas na singil sa kanilang pasahero sa kanto lang naman ng Sta. Monica papuntang Baker’s Hill na ang singil ay P100 hanggang P150.
Ayon sa We R1 at your service, isa ito sa sumbong sa kanila na agad nilang inaksyunan.
Sa pahayag ni Konsehal Elgin Damasco, kailangan magkaroon ng unawaan sa pagitan ng mga tricycle at pasahero.
Aniya labag sa batas ang maningil ng subra, ngunit umaabot na sa P94-95 ang isang letro ng petrolyo.
“Kailangan po talaga mag-unawaan, tricycle driver at pasahero. Mali po,labag sa batas maningil ng subra, pero sana unawain din natin 94-95 pesos po ang presyo ng Isang litro ng gasolina ngayon.
Ang pamasahe regulated, ang presyo ng produkto petrolyo hindi. Wala rin magagawa ang mga Konsehal, Vice Mayor, Mayor, kahit presidente ng Pilipinas walang magawa sa presyo dahil sa Oil Deregulation Law, Isang national na batas,” ani ni Damasco.
Nanawagan ito sa mga Congressman at mga Senador na amyendahan ang batas na dapat nang gumalaw ang mga ito. “Mga Congressman at Senador, kayo ang binigyan ng karapatan ng batas na amyendahan ang lintik na batas na yan. Galaw naman!’”
Nanawagan naman ito sa mga tricycle driver na bago nila pasakayin ang kanilang pasahero dapat magkaroon muna ng kasunduan sa pamasahe.
“Sa mga tricycle driver, bago sumakay ang pasahero, pakiusapan niyo nalang muna, magkasundo muna kayo sa presyo. Ipaliwanag lang ninyo kung bakit medyo mataas ang singil ninyo.”