Friday, April 23, 2021
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Puerto Princesa, kailangan na umano i-upgrade ang firefighting capability

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
April 6, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Puerto Princesa, kailangan na umano i-upgrade ang firefighting capability
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Hinihiling ngayon sa Puerto Princesa City Council na ma-upgrade ang firefighting capability ng lungsod. Ito ay matapos mahirapan ang mga bumbero sa lungsod na apulahin ang naganap na sunog noong Miyerkules Santo sa Purok Mapagmahal, Barangay San Jose.

Ayon kay Kgd. Matthew Mendoza, naibahagi sa kanya ng pamunuan ng City Fire Department na  nahirapan ang mga firefighter na patayin ang apoy mula sa isa sa dalawang nasusunog na establisiyemento dahil ang nasusunog ay tindahan ng mga goma.

RelatedPosts

14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF

Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC

Ito aniya ang dahilan kaya nararapat na rin na mag-invest ang Puerto Princesa City Government na bumili ng Aqueous Film-Forming Foam Concentrate (AFFF) at chemical truck para rito.

“So, ngayon, bilang recommendation na rin ng isa sa mga firemen sa akin, sabi niya, dapat mayroon na ang City ng AFFF—ito po ‘yong ginagamit sa airport. Pangpatay po ito ng mga apoy na sanhi po ng mga gasolina, ng mga oil-based—pintura, thinner, [etc],” sa hiwalay na panayam ng media kay Mendoza matapos ang kanilang sesyon kahapon .

Paliwanag niya, “Ito ay parang foam—kapag ibuga mo ito sa apoy, binabalot nito ng foam ang apoy at nawawalan ng oxygen kaya namamatay [ang apoy],” aniya.

Kung ordinaryong tubig lamang umano ang ibubuga sa ganoong mga uri ng apoy ay kakalat lamang ito lalo at mas lalaki lamang ang sunog. Inihalimbawa niya ang kapag nag-apoy ang gasolina o diesel na kakalat lang kapag binuhusan ng tubig upang apulahin.

“Ito po ‘yong dahilan kaya nag-request tayo sa ating City Mayor na i-equip natin ‘yong  City Government ng ganito [lalo’t higit], marami ng mga gasoline stations dito. Marami na ring negosyo na [nagbebenta] gaya ng mga gulong, pintura at marami po tayong [binibenta ring] fuel dito [sa siyudad]—malaking-malaking maitutulong nito sa ganoong uri ng mga chemical na oil-based fuel, diesel , paint at mga gulong [kung maging sanhi ng sunog],” paliwanag pa ng konsehal.

Sa kanyang pagkakatanda pa umano, simula nang siya’y ipinanganak at nanirahan sa lungsod ay halos ngayon lamang niya narinig ang uri ng sunog na mahirap apulahin dahil sa tindahan ng mga gulong ang nasusunog.

“Kung ‘yong sanhi ng apoy na ordinary combustible materials lang gaya ng kahoy, hotel o mga light materials ay kayang-kaya ang apoy—balewala ‘yan sa ating mga bumbero pero oil-based, highly flammable, di kaya ng tubig lang,” saad niya.

Aniya, ito ang gamit ng Aviation authority sa Puerto Princesa Airport at sila pa lang ang mayroon nito sa kasalukuyan.

Sa ngayon ay hindi pa umano masabi ng konsehal kung magkano ang kinakailangang pondo para rito at kung saan ito bibilhin dahil pag-aaralan pa ito ng chief executive at ibababa naman sa kanila sa Konseho kapag  kailangan na ng approval ang ilalaang pondo.

“Yan, hindi lang basta lang isinasalin sa trak. May ibang klaseng firetruck po na para rito at mini-mix ‘to habang binubuga ng fire truck ‘yong tubig at ‘yong kemikal—magmi-mix po ‘yan upon spraying; hindi ‘yan ‘yong inihahalo sa tangke kasi may expiration din,” pahayag pa ni Kgd. Mendoza.

Kasabay rin umano nito ay ang manifestation din ni Kgd. Herbert Dilig na titingnan din nila ang posibilidad na i-request sa national government, sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pamamagitan ng DILG kung maaari ba silang makapagbigay ng nasabing mga equipment. Ngunit kung kaya naman umano ng  Pamahalaang Panlungsod na ito na ang bibili ay mas mainam.

HINDI NA NAAKMA ANG RATIO NG KAKAYANAN NG CITY FIRE VS POPULATION

“Kaninang umaga , bago ako nag-report ay kinonsulta ko muna si City Fire Marshall Nilo Caabay, [kung] ano ang masasabi niya kung magre-request [at sinabi niyang] talagang kailangan na natin itong AFFF na ito na fire truck. Sabi niya, kailangan na ng Puerto Princesa City na magdagdag ng truck kasi truck to population ratio, medyo kailangan [nang ma-update],” aniya.

Sa kabilang dako, ayon naman sa tagapagsalita ng City Fire Department na si FO3 Mark Anthony Llacuna, tinuran niyang mas maigi na may kasamang chemical firetruck kapag bumili ng AFFF. May isang trak naman umano silang pwedeng gamitin para sa AFFF concentrate ngunit mas maigi pa rin aniya na bibili rin ng akmang chemical truck.

“Kailangan na po talaga ‘yan kasi marami nang mga gasoline stations po rito; ‘yon (AFFF concentrate) ang kailangan natin,” aniya.

Sa tantiya ni Llacuna, ang naturang kemikal ay  nasa P10,000 hanggang P20,000 ang kada container, depende sa brand habang aang firetruck naman ay nasa P20 milyon hanggang P30 milyon  ang halaga depende naman sa laki at brand.

Tags: Puerto Princesa City Council
Share6Tweet4Share2
Previous Post

The late OPM Icon Claire Dela Fuente wishes to do concert in Palawan

Next Post

Hue Puerto Princesa Remains Palawan’s Safe Haven

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF
City News

14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF

April 22, 2021
Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes
City News

Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

April 21, 2021
Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC
City News

Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC

April 20, 2021
Red-tagging sa mga Community Pantries, walang basehan
City News

Red-tagging sa mga Community Pantries, walang basehan

April 20, 2021
PPC-COVAC hinikayat ang mamamayan na magparehistro online sa COVID-19 vaccination
City News

PPC-COVAC hinikayat ang mamamayan na magparehistro online sa COVID-19 vaccination

April 18, 2021
Food Set Go, Puerto Princesa’s latest food delivery app offers very low rates
Business

Food Set Go, Puerto Princesa’s latest food delivery app offers very low rates

April 16, 2021
Next Post
Hue Puerto Princesa Remains Palawan’s Safe Haven

Hue Puerto Princesa Remains Palawan’s Safe Haven

Bringing Art and People Together ABOUT MY CITY, MY SM, MY ART

Bringing Art and People Together ABOUT MY CITY, MY SM, MY ART

Discussion about this post

Latest News

Former Palawan’s Art and Cultural Honcho Charina Cabading-Josol is now a Youtuber

Former Palawan’s Art and Cultural Honcho Charina Cabading-Josol is now a Youtuber

April 22, 2021
14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF

14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF

April 22, 2021
Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

April 21, 2021
2nd solar pump project, itatayo ng NIA-Palawan sa Bayan ng Rizal ngayong Abril

2nd solar pump project, itatayo ng NIA-Palawan sa Bayan ng Rizal ngayong Abril

April 20, 2021
Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC

Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC

April 20, 2021

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    13164 shares
    Share 5266 Tweet 3291
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    9838 shares
    Share 3935 Tweet 2460
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    8875 shares
    Share 3550 Tweet 2219
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    5846 shares
    Share 2338 Tweet 1462
  • DOH-CHD considers untested dead PUI to be COVID positive

    5056 shares
    Share 2022 Tweet 1264
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us