Sama-samang nagtatanim ng puno ng Balayong (Cherry Blossom) ang iba’t ibang sektor at bahagi ng komunidad na nakilahok sa ‘Balayong Festival’ na taunang idinaraos sa Puerto Princesa, na bahagi ng “Urban Forestry” program ng Puerto Princesa City. (Larawan mula sa Puerto Princesa City Information Department Official Facebook Page)

City News

Puerto Princesa, kalahok sa ‘World Forum on Urban Forest’

By Leila Dagot

August 23, 2018

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 22 (PIA) — Nominado ang programang ‘Urban Forestry’ ng lungsod ng Puerto Princesa sa gaganaping kauna-unahang “World Forum on Urban Forest” sa Mantova, Italy sa ika-28 ng Nobyembre.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Carlo Gomez, City Environment and Natural Resources Officer (ENRO) sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA).

Aniya, itatampok dito ng LGU-Puerto Princesa ang konsepto ng sama-samang pagtatanim ng punong Balayong (Cherry Blossom) ng mga opisyal ng pamahalaan at ng komunidad sa inihanda nitong 62 ektaryang parke sa gitna ng siyudad.

Ayon kay Gomez, ang lungsod din ang kauna-unahang nagpatupad ng urban forestry program partikular na ang pagtatatag ng komunidad at lokal na pamahalaan ng ‘Balayong Park’.

“Ang pinakamaganda, hindi lang tayo pinaka-una sa Pilipinas, kundi kuwalipikado din tayo sa first world forum on urban forestry sa Mantova, Italy, we will be represented our country, ang criteria ang pagkakaroon ng open-space park, na may partnership ng LGU at ng mga mamamayan,” tinuran ni Gomez.

“Ang pagkakaalam ko, maraming mga bansang kalahok dito.  Sa bansa natin, ang Puerto Princesa ang magkakaroon ng presentation ng ating urban forestry program na siyang pagpipilian ng event organizer,” dagdag pa ng opisyal.

Ang layunin ng unang forum na ito ay i-highlight ang mga positibong halimbawa ng mga pagpaplano, disenyo at pamamahala ng mga lunsod na may magkakaibang kultura, porma, istruktura at mga kasaysayan, na gumamit ng uban forestry at berdeng imprastraktura upang bumuo ng mga serbisyo sa ekonomiya at kapaligiran at upang palakasin ang pagkakaisa ng lipunan at pampublikong paglahok.

Ang forum ay magdadala ng magkakaibang stakeholder upang makipagpalitan ng mga karanasan at mga aral na natutunan, at pag-usapan ang posibleng pangmatagalang pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng mga estratehiyang panggugubat sa lunsod at ang pagkakakilanlan ng mga solusyon sa kalikasan batay sa isang mas malusog, malusog, at mas maligayang hinaharap.

Samantala, ayon pa kay Gomez, suportado rin ng pamahalaang nasyunal ang ubran forestry ng syudad matapos na payagan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalaan ng pondong P92 milyon bilang suporta sa programa. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)