City News

Quarantine facility sa Sitio Magarwak, malapit nang matapos

By Jane Jauhali

February 02, 2022

Nasa 89% na ang ginagawang quarantine facility para sa may mild COVID cases sa Sitio Magarwak Brgy. Bacungan, Puerto Princesa na may lawak na 1,339.5 sqm.

Sa phase 1, mayroong 36 na isolation rooms na may mga lababo, isang nursery, dalawang common CRs, habang sa ikalawang palapag ay mayroong dalawang wards na 42-bed capacity para sa lalaki at 42-bed capacity naman para sa mga babae, nurses’ station, at doctor’s office.

Umaabot naman sa P54.5 million ang inilaan na pondo ng City Government para sa isolation facility, bagama’t wala pa ang phase 2 target matapos ang proyekto ngayong buwan ng Pebrero na dapat noong Disyembre 2021 ay tapos na ngunit naging hadlang ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawaigan.

Ayon naman kay Dr. Eunice Herrera ng City Health Office-IMT, ang isolation facility ay exclusibo lamang para sa COVID cases na may mild symptoms para sa agarang gamutan habang ang nakakaramdam ng malalang sintomas ay kailangan sa pagamutan o hospital.

Target naman na matapos ang kabuohan ng isolation facility maging ang phase 2 kasama ang paglalagay ng mga medical equipment sa darating na buwan ng Marso upang tuluyang magamit ang mga pasilidad upang hindi na mangungupahan ang City Government sa mga hotels para gawing isolation facility ngunit nakadepende parin umano ito sa sitwasyon dala ng COVID-19 sa lalawigan.