City News

Residente ng Sta. Monica, timbog dahil sa droga

By Kia Johanna Lamo

September 24, 2018

Arestado sa buy-bust operation ng pulisya ang isang suspek na nangangalang Mark Anthony Caalimbo, residente ng Bgy Sta. Monica.

Ayon kay Police Inspector Rey Aron Elona ay nagkaabutan ang kanilang asset at ang suspek sa harap lang ng bahay nito na nag aabot ng isang hinihilang droga.

Kung kaya ay minabuti ng pulisya na pasukin ang bahay ng suspek upang masiguro kung may mga droga pa rito.

Bagama’t wala sa listahan ng PNP ang pangalan ni Calimbo, matagal na umano nilang sinusubaybayan ang mga lakad ng suspek.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA165 ang suspek at kasalukuyang nasa kamay ng mga otoridad.