Photo Credits to City Mayor's Office - Puerto Princesa

City News

Puerto Princesa LGU, magkakaloob ng tig-P500,000 ayuda sa lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point at Sofronio Española

By Claire S. Herrera-Guludah

January 10, 2023

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Puerto Princesa ang resulosyong magbibigay otorisasyon kay Mayor Lucilo R. Bayron para magkaloob ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng tig-P500,000 sa mga lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point at Sofronio Española.

 

Matatandaan na ang naturang dalawang bayan ay labis na naapektuhan ng ilang araw na tuloy tuloy na pag-ulan kasama na ang malawakang pagbaha.

 

Ang pondong iaayuda ay mula naman sa pondong laan para sa City Risk Reduction and Management Council ng Puerto Princesa.

 

Batay sa resulosyong ipinasa ng dalawang bayan, isinailalim ang mga ito state of calamity dahil sa pangyayari at hanggang sa kasalukuyan abala ang maraming organisasyon, indibidwal, at grupo para sa paghahatid tulong sa mga naapektuhang pamilya.