City News

Sangguniang Panlungsod: kuwestiyunable ang hindi pagsasagawa ng eleksyon ng PALECO

By Lexter Hangad

March 22, 2022

Tinalakay ng Sangguniang Panlungsod ang usapin sa eleksyon ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa ginanap na regular session kahapon, Marso 21.

Ayon kay Konsehal Elgin Robert Damasco, nakakapagtaka umano kung bakit hindi nilahat ng pamunuan ng PALECO ang pagsasagawa ng eleksyon sa lahat ng mga distrito nito. May nakatakda lamang na iskedyul sa ilang mga distrito liban na lamang sa Puerto Princesa.

“Ito palang yung maghahalal ng mga panibagong mga Board of Directors, may schedule na yung Bataraza, Española, Balabac sa July 16 schedule nila, yung Narra July 23 yung schedule nila, yung sa atin po sa Puerto Princesa at yung binabanggit ko po hindi nila inilagay ang schedule ngayon 2022, first quarter pa daw ng 2023, pero sa Memorandum Circular nang National Electrification Administration (NEA), maliwanag po dito na kailangan i-conduct ang eleksyon this year or before the AGMA,”  saad ni Damasco.

Dagdag pa ng konsehal, marami na umano sa mga ito ang overstaying na sa kanilang mga tungkulin sa kooperatiba.

“As what’s stated in the NEA, Memorandum No. 2020-058, the conduct of district election for 2022, must not be differed, yun po ang nakalagay dito kasi nga po ang PALECO po ay overstaying na po ang karamihan doon sa mga Board of Directors (BOD),”

Dagdag pa ni Damasco, ginawa umanong rason ng kooperatiba ang pandemiya kung bakit hindi ito nagkaroon ng eleksyon sa mga nakalipas na taon.

Nakiusap naman ang Konsehal sa mga kasamahan nito na sa pamamagitan ng isang resolusyon ay hilingin sa mga ito na magdaos na ng eleksyon ngayon taon 2022 sa lahat ng mga distrito.

“So yun ang question sa PALECO Management na bakit hindi nila binigyan ng i-schedule lahat this year. Kaya ang pakiusap po natin through a resolution, hilingin natin sa National Electrification Administration (NEA) at sa management ng PALECO isama na rin po natin siguro mula dito sa report ko pero dapat isama po natin sa ating resolution yun po the same tenure of the resolution sa Cooperative Development Authority (CDA),” pahayag muli ni Damasco.

Binanggit din nito na base sa By-laws ng PALECO, mayroon lamang na tatlong taon na termino ang mga mahahalal na opisyal ng kooperatiba.

Ayon sa naging press release kamakailan ng PALECO ipinaliwanag nito na isa sa mga dahilan ay ang pagbibigay daan para sa pararating na May 9 National and Local Election.

“Ayon sa PALECO By-laws, ang annual general membership meeting ay ginaganap tuwing buwan ng Mayo. Subalit sa pagkakataong ito ay gaganapin sa ika-24 ng Setyembre 2022 para bigyang-daan ang 2022 national at local elections,”

Dagdag pa nang PALECO, naging dahilan ng pagkaantala din umano ang nangyaring pandemya at kalamidad nung mga nagdaang taon.

“Dahil sa COVID-19 pandemya, nagpalabas ang Cooperative Development Authority (DA) ng memorandum sa pamamagitan ng MC 2020-14 na nagsasabi “the term of elected officers ending on CY 2020 shall be extended and incumbent officers shall serve on a hold-over capacity until the conduct of the next regular general assembly meeting and election of officers,”

“Dulot ng tropikal na bagyong Odette nung December 17, 2021, naantala ang ibang mga programa at bang gawaing ng ating Kooperatiba para suportahan at mabigyang prayoridad ang pagpapanumbalik ng normal na daloy ng kuryente sa probinsya ng Palawan,”

Para naman kay Damasco, marami na umano sa mga ito ang overstaying na sa kanilang mga tungkulin sa kooperatiba at hindi na umano dahilan ang pandemya para maantala ang eleksyon sa PALECO.

“As what’s stated in the NEA, Memorandum No. 2020-058, the conduct of district election for 2022, must not be differed, yun po ang nakalagay dito kasi nga po ang PALECO po ay overstaying na po ang karamihan doon sa mga Board of Directors (BOD) at ang ginawa nilang rason kung bakit hindi sila nagkaroon ng eleksyon ay [dahil] sa COVID-19, 2019, 2020 at 2021 kaya nga may lumabas na memorandum na wag nang gawin rason ang COVID-19, kailangan matuloy ang eleksyon sa 2022,” pahayag ni Damasco.