Photo from PPCPO

City News

Seguridad sa rally, mahigpit na binantayan ng PNP

By Jane Jauhali

April 07, 2022

Matagumpay ang ginawang pagbabantay ng mga kapulisan sa Puerto Princesa sa ginawang Palawan People’s Rally kahapon ni Presidential aspirant, Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salbador Tabi, ang bagong tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office, humigit kumulang 10,000 na mga tao ang kanilang binantayan kahapon.

“More or less 10,000. It’s just an estimate. We based our estimate in 150 persons per 10×10 meters of crowd.” saad ni PLTCol. Tabi.

Dagdag pa nito ang kanilang ginawang pagbabantay  kahapon ay kanilang pinag-aralan at hinigpitan, upang masiguro ang siguridad ng bawat isa na nasa rally at nanatili ang peace and order na kanilang pinatutupad.

“The whole event is peaceful, wala tayong na-meet na complaints, except yung malakas na ulan.”

Samantala, nakahanda na rin ang mga kapulisan sa susunod na mga rally ng mga politiko at sisiguraduhin na magiging matagumpay ang kanilang pagbabantay sa Puerto Princesa City.