City News

Seguridad sa Semana Santa, pinaghahandaan na ng PNP

By Jane Jauhali

April 11, 2022

Pinaghahandaan na ng Puerto Princesa City Police Office ang seguridad ng mamamayan ng Puerto Princesa sa  nalalapit na Semana Santa.

Sa panayam ng news team kay Police Lieutenant Colonel Salvador D. Tabi, tagapagsalita ng PPCPO, sinabi nito  may mga checkpoint silang itatalaga at magpapatrolya sa mga lugar na pagdaraosan ng Semana Santa, at nakipag-ugnayan na rin sila sa mga malalaking simbahan sa Puerto Princesa.

“Mayroon tayo na existing na rotation check point sa election kasama na rin yung security measures para sa semana santa then other than that, lahat ng malalaking simbahan inalam na nang PNP kung kilan yung iskedyul na dadagsa yung mga tao,” ani ni Police Lieutenant Colonel Tabi.

Dagdag pa ng opisyal, mayroon na silang inassign na mag-security at mag-establish ng assistant sa assistance desk.

“Nakipag-ugnayan narin tayo sa namamahala sa Mount Calvary upon coordination ng PNP ang sabi ay wala silang aktibidad para sa holly week,  open siya sa mga tao na gustong pumunta pero indibiduwal activities yun,” dagdag pa nito.

Kaugnay niyan, ang mga awtoridad ay magsasagawa  ng pagpapatrolya sa Mount Calvary upang masiguro ang kaligtasan ng mga deboto.