Pasado pero kulang umano ang mga binanggit ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron sa kaniyang ikatlong State of the City Address sa City Colisuem kahapon, September 17, 2019.
Ito ang sinabi sa Palawan Daily News ni City Councilor Peter Maristela na siya ring Chairman ng Minority sa Sangguniang Panlungsod.
Ayon kay Maristela, kung bibigyan niya ng grado ang SOCA ni Bayron , 1 hanggang 10 ay Seven (7) lamang ang ibibigay niya.
Hindi raw kasi balanse dahil kukunti ang proyekto sa agrikultura habang napakarami umanong nabanggit tungkol sa turismo kung hindi man daw makasabay sa turismo ay kahit makakalahati lamang sana.
Iginiit pa ni Maristela na maraming bisita ang syudad kaya dapat may pagkukununan ng mga produkto.
Hindri umano lahat ng mga mamamayan ay nabibiyaan ng husto ng industriya ng turismo lalo na ang mga nasa malalayong lugar maliban na lamang sa mga malalapit sa Puerto Princesa Underground River kaya kailangan ang suporta sa agikultura, sa mga mangingisda at sa mga naghahayupan.
Maliban rito ay hindi rin umano nabanggit ni Bayron sa kaniyang ulat sa bayan ang tungkol sa kapakanan ng mga empleyado partikular na ang pagregularisa sa mga napakaraming job order employees tulad ng mga traffic enforcer, mga taga Oplan Linis na nagwawalis ng kalsada, mga naghahakot ng basura na empleyado ng City Solid Waste Management Office at iba pa. Giit pa niya, na sana raw ay mabigyan ito ng pansin ng City Government.
Dapat rin daw na pondohan na lamang umano ng syudad ang mga pangarap na proyekto na kaya namang gastusan tulad ng planong modernong daungan ng Sabang lalo na’t kailangan ito dahil sa Underground River, magpatayo na ng mga fishing facility na kayang punduhan ng syudad sa Barangay Sta Lucia at huwag nang hintayin ang mga investors. Dagdag p niya, posible daw na kapag may pasilidad ay magsusunuran na ang mga mamumuhunan.
Pinuna niya rin ang planong pagpapatayo ng Puerto Princesa Tower na ayon sa kaniya gamitin na lamang ang pera sa pagpapatayo ng City General Hospital para mas maraming matulungan lalo na ang mga walang pambayad sa bill sa ospital.