City News

Tindahan ng mga paputok, nagbukas na; BFP, nakabantay

By Jane Jauhali

December 16, 2021

Mahigpit na nakabantay ang Bureau of Fire Protection – Puerto Princesa City sa mga nagbebenta ng mga paputok partikular sa may kahabaan ng Panyera Road para sa paghahanda sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Chief Inspector Nilo Caabay Jr. ng BFP-Puerto Princesa, smula noong Disyembre 1 ay kanila ng ipinatupad ang Oplan Paalala Iwas Paputok at mayroon na rin mga may-ari ng stall ang nag-volunteer para magpa-inspect sa kanilang mga stall.

“Regarding sa mga nagbebenta ng paputok may mga dumaan na sa amin na mga may-ari ng stall na nagpa-inspection at from time to time nag a update sa atin yong mga inspector ng BFP,” ani ni Caabay.

Dagdag pa nito mahigpit din silang nagbabantay at magkakaroon sila ng pag-iikot sa mga tindahan ng paputok upang isailalim sa inspection at kung may makitang mga ipinagbabawal na paputok na ibinibenta ay agad itong kukumpiskahin at pagmumultahin na aabot sa anim na buwan hanggang isang taon na pagkakulong, at P20,000.00 hanggang P30,000.00, cancellation ng permit, at confiscation ng illegal na paputok.

“Kung may makikita tayo na hindi regulated ay ilalabas natin at ating kukumpiskahin,” dadag ni Caabay.

Narito ang mga paputok na ipinagbabawal:

Piccolo

Super Lolo

Atomic triangle

Large Judas Belt

Large bawang

Pillbox

Goodbye Philippines

Bin laden

Mother rocket

Lolo thunder

Coke in can

Pla-pla

Giant whistle bomb

Kabasi

Watusi