Photo by Michael Fazio

City News

Tourism boat ordinance, isinulong sa konseho

By Kia Johanna Lamo

August 27, 2018

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Isinulong sa Sangguniang Panglungsod ang ordinansa na pagkakaroon ng first aid kits ng mga boat owners at operators sa kanilang mga bangka.

Layunin ni City Councilor Jonjie Rodriguez sa pagsulong ng “Tourism Boat Ordinance” na mabigyan ng agarang medikasyon ang mga turista at proteksyon laban sa mga hindi inaasahang insidente o aksidente.

Ito rin ay dahil sa patuloy na pagdagsa ng turista sa siyudad at malaking reponsibilidad ito sa sektor ng turismo.

Samantalang ang lalabag sa panukala kung ito’y magiging lubos na ordinansa na ay papatawan ng P5,000 multa at pagbawi ng kanyang business permit.