Tatanggap na ng inbound travelers ang Lungsod ng Puerto Princesa matapos tanggalin ang travel ban kasunod ng pagbaba ng quarantine status ng Lungsod sa General Community Quarantine (GCQ) ngayong araw, ika-16 ng Hulyo 2021.
Nakapaloob sa Local IATF Resolution No. 53 ang mga inbound travels na maaari nang pumasok sa lungsod. Ang mga government at private Authorized Persons Outside Residents (APOR) ay pareho nang papayagan.
Ang mga APORs na tatlong (3) araw lamang ang itatagal sa PPC ay kailangang fully vaccinated at may maipapakitang round trip plane ticket. Ang mga naka-kuha lamang ng kanilang 1st doso ay required na sumailalim sa 7-day quarantine.
Pwede na ding umuwi ang mga Local Stranded Individuals (LSIs) ngunit kailangan pa ring mag-quarantine ng pitong (7) araw pagdating sa lungsod.
Samantala, wala namang nagbago sa Land Border Control maging sa Sea voyage mula sa mga Island Munincipalities.