Larawang kuha ni Micahel Escote / Palawan Daily News

City News

Tricycle operators na hindi nakapag-renew ng franchise, pinulong ni Vice Mayor Socrates

By Michael Escote

September 10, 2019

Pinulong kaninang umaga ng City Franchising Regulatory Board sa pangunguna ni Vice Mayor Maria Nancy Socrates na chairperson nito ang mga tricycle operator na hindi nakarenew ng kanilang prangkisa at mayor’s permit.

Ayon kay Vice Mayor Socrates ang pulong ay kanilang ginawa para malaman ang mga dahilan ng mga may ari ng traysikel kung bakit hindi sila nakapagrenew sa tamang panahon.

Samantala, karamihan sa mga naging rason ng tricycle operators ay ang pagkaantala ng confirmation na sila ay nagmamay ari ng motorsiklo mula sa land transportation office main office sa kamaynilaan.

Mayroon ring ibang operators na ang rason ay ang personal na problema, nanakaw ang unit, at iba pa.

Kinumpirma naman ni Socrates sa Palawan Daily News na susuriin pa ng Board kung valid ang naging rason ng mga operator subalit magiging malambot ang kanilang puso sa mga dumalo.

Samantala, Ayon kay Rodel Munoz, sa kanilang record sa CTFRB ay nasa 124 ang regular franchisees na hindi nakarenew habang nasa 882 ang special franchisees. Magkagyunman nalungkot si Socrates dahil sa kabuuang 1006 na hindi nakapagrenew ay hindi pa umabot sa 100 ang dumalo.

Batay raw sa kanilang napagkasunduan, ang mga hindi dumalo ay tuluyan nang ikakansela ang prangkisa.