City News

Wanted person arestado sa Puerto Princesa

By Jane Jauhali

October 10, 2021

Arestado ng Maritime Police sa pangunguna ni PLTCOL RICARDO I DALMACIA, Commander, 2nd SOU-MG ang isang wanted sa batas sa Lungsod ng Puerto Princesa oktobre 7,2021

Kinilala ang suspek na si, Philip Abejo Pablico, 40 anyos, at  residente sa  Brgy. New Agutaya, San Vicente, Palawan

Inaresto si Pablico dahil ito sa mayroong warrant of arrest na pirmado ni HON. PAZ SOLEDAD B. RODRIGUEZ-CAYETANO, Presiding Judge of Fourth Judicial Region, Branch 49, Puerto Princesa City, Palawan na may petsang  January 13, 2021 sa kasong

Violation of RPC Article 217 Malversation of Public Funds or Property; Presumption of Malversation.  Dati na ring nahuli sa drug buy bust operation ng Police Station 1 Puerto Princesa City Police Unit at City Drug Enforcement Unit.

Samantala kinakailangan naman makapaglaan ng pyansa sa kaso ang suspek sa halagang Php 60,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Kaugnay niyan ang nahuling suspek ay nasa kostudiya na ng PNP para sa tamang desposisyon.