Column

Ano nga ba ang programang E-CLIP ???

By Christopher Jorquia

December 28, 2020

Ang estado ay walang ibang layunin kundi maiayos ang buong bansa. Dahan dahan na nating iniaangat at isinasaayos ang pamamalakad ng gobyerno, pinaglalaanan na ng pansin pamula sa lokal na ehekutibo ang pagsasaayos ng kapayapaan. Ginagawa na nating pangkalahatan ang pakikibaka laban sa kaguluhan at pagkakapit bisig ng mga ahensya para mapabilis natin ang pag unlad sa kanayunan. Kung kaya mayroong mga indibidwal na organisasyon gaya ng CPP-NPA-NDF na walang alam gawin kundi ang guluhin, buwagin at pag watak-watakin ang programa ng pamahalaan. Pilit nating inuunawa na karamihan sa mga kapatid natin na nasa gayong organisasyon ay nalilinlang lamang ng maling impormasyon.  Tayo man ay nasususunugan ng mga gamit, kinikikilan ng pera na tinatawag na buwis pang himagsikan, ito lamang ay  ilan sa mga bagay na kaya nilang gawin upang tayo ay guluhin. Ngunit marami ang hindi nakakaalam, maaaring nalilimutan nila o kaya naman ay hindi nila pinagtutuunan ng pansin … Na may mga programa nang inilalaan upang sila ay tulungan.

Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan ay hindi lamang  para sa kanila kung hindi pati na rin sa kanilang pamilya at komunidad.         

Para kanino nga ba ang programang E-CLIP? Ayon sa Administrative Order No. 10 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-3 ng Abril 2018, at sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing kautusan, ang ECLIP ay para sa mga rebelde na nagbalik-loob, kabilang na ang mga Regular na miyembro ng CPP-NPA-NDF; Kanilang asawa, anak, at kinakasama legitimate or illegitimate, kanilang mga magulang at mga kapatid; at Mga miyembro ng Militia ng Bayan. Sa katunayan sa bayan ng MAGPET, probinsya ng COTOBATO, mayroong dalawamput walo na dating rebelde ang naka tanggap ng humigit kumulang 3.4 million sa ilalim ng national Government E-CLIP (relief web: Published  March 07,2020).

Kamakailan lamang sa SAN JOSE, Occidental Mindoro naman ay may Kabuuang P295,000 halaga ng assistance package ang ipinagkaloob ng pamahalaang nasyonal sa tatlong Former Rebels (FR) sa lalawigan, sa ilalim ng programang E-CLIP. Ayon kay Jacob Cruz, itinalagang focal person sa FR ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), isa sa mga nagbalik-loob ay tumanggap ng P105,000 na binubuo ng P15,000 immediate assistance, P50,000 livelihood assistance, at P40,000 firearm renumeration para sa isinuko nitong armas (pia.gov.ph/articles). Idagdag pa natin ang Labing apat (14) na dating rebelde sa iligan city na nagbalik pamahalaan at naka tanggap ng tulong pinansyal at  bahay na masisilungan sa tulong ng E-CLIP.  Nito lamang Nakaraang buwan sa probinsya ng bohol ay mayroong apatnapu at apat (44) na nagbalikloob ang nabigyan ng tulong ng pamahalaan (pia.gov.ph/probbince).   Ilan lamang ito sa mga napaka rami nang aktibidad ang nangyayari at nagpapatunay na ang gobyerno ay seryoso na tulungan ang mga datihang rebelde na sumuko sa pamahalaan at ang mga iba pang rebelde na nagnanais sumuko upang maging mapayapa ang pamumuhay. Ito ang programang inilatag ng pamahalaan upang matuldukan ang himagsikan at magkaroon ng isang Bansang PAYAPA.