Column

Online sports coaching sa panahon ng pandemya

By Bryan Aquino

October 19, 2020

Hindi nagpapigil sa pandemya ang Puerto Princesa City Sports Office sa pangunguna ni Atty. Rocky Austria para maengganyo ang mga kabataan na magehersisyo. Kasalukuyang nagsasagawa ang ahensya ng online sports coaching para mapanatili ang malakas na pangangatawan ng mga taga Puerto Princesa habang sila ay nasa kani-kanilang tahanan. Layon ng online sports coaching na abutin ang mga kabataan lalo na ang mga edad 15 pababa gayon din ang mga edad 65 years old pataas na siyang higit na pinag-iingat dahil madali silang kapitan ng sakit.

Sa kanilang facebook page, makikitang naglabas na ng mga post patungkol sa SOFT BALL, BASKETBALL, at ang martial arts na TAEKWONDO. Dito ay itinuturo ang mga basic stretching at mga tamang position ng mga braso at mga binti para ang maiwasan ang injuries kung hindi tayo nakapag stretching. Ang mga nasabing pag stretching ay ang mga sumusunod:

  1. Head stretching (left, right, up and down)
  2. Arm circling ( clock wise and counter clock wise)
  3. Arm stretching (left and right)
  4. Hips rotation (clock wise and counter clock wise)
  5. Knee rotation (clock wise and counter clock wise)
  6. Touch the floor and straight legs
  7. Open legs, toe touching left and right
  8. Stationary stretching to the left, right and center.
  9. Back stretching
  10. Forward stance facing to the left, in steps, hands up and forehead to knee (left and right side)
  11. Riding stance shoulder stretch
  12. Shoulder stretch ( left and right)
  13. Center stretching or split
  14. Center stretching face to the left and right

Sa pag stretching inirerekomenda ang pagkakaroon ng 16 counts – isa hanggang walo, walo hanggang isa para maiunat nang tama ang mga muscle sa katawan. Sa pamamagitan ng tamang pageehersisyo, mapapanatiling malakas ang ating pangangatawan para makaiwas sa mga karamdaman. Ugaliing bisitahin ang facebook page ng city sports office para masubaybayan ang mga iba pang update sa sports, tulad ng iba pang basic drills, stretching, warm up, and techniques sa ibat ibang larangan ng sports.