Ang Palakasan ay isa sa lubhang apektado ng pandemyang ating kinakaharap, marami sa mga paborito nating sports ay nagre-require ng pisikal na kontak, kung kaya ibinawal muna ito sa ngayon habang hinahanapan pa ng solusyon ang krisis na to.
Bagama’t may mga laro na kayang tumawid sa hindi pagkikita ng personal, at ituloy ang torneo sa pamamagitan ng internet, totoo na sa ngayon ay etu ang pinagkakaabalahan ng ating mga manlalaro, karamihan sa kanila ay sumasailalim sa mga online training ng kanilang mga coaches, at ginagawa ang mga routine exercises sa pamamagitan ng pag-video.
Dahil kailangan mapanatili ang buhay sa larangan ng palakasan, isang pambansang torneo ang pinaghahandaan ngayon ng mga piling Taekwondo players ng Palawan, sasabak sila sa kauna-unahang MVP Sports Foundation Online National Taekwondo Poomsae Championship.
Masasabing kakaiba ang kompetisyong etu dahil hindi na kailangang bumiyahe ng atleta sa lugar ng paggaganapan, kailangan lamang nilang gumawa ng bidyo ng kanilang mahusay na Poomsae or form combat exhibition at ipapadala lang ito digitally sa mga organizer ng contest. Ang Poomsae ay Korean word na ang ibig sabihin ay pattern of defense attack motion, kumbaga isang exhibition ng kabuoang galawan sa Taekwondo.
Habang sinusulat natin ito ay mayroon ng apat na atletang Palawenyo ang nag padala ng kanilang video sa contest, inaasahan pa itong dadami dahil sa katapusan pa ng Mayo ang deadline ng paglahok. Ang boung Palawan ay mayroong sampung gym na accredited ng Philippine Taekwondo Association.
Ang mananalo sa tinaguriang Techwondo competition ay tatanggap ng sari-saring kagamitian sa Taekwondo at iba pang gift certificates, ang mga hurado sa kompetisyon ay galing din sa iba’t ibang lugar na magbibigay ng kanilang score via online sa ia-anunsiyo pa lang na petsa ng torneo, online din ang awarding ng plake at medalya sa mapililing mahusay sa poomsae.
Maliban sa Taekwondo, matagal na rin nagaganap kahit wala pa ang pandemya ang mga online competition sa larong Chess, ang aktibong Tandikan Chess Club dito sa Puerto Princesa ay kaliwa’t kanan ang sinasalihang online contest, kung saan nakakalaban nila ang iba’t ibang chess player sa mundo at sa bansa, malaking tulong ito lalo pa’t nasa bahay ka lang naman at walang ginagawa.
Gaya ng buhay natin, ang Sports ay bumabagtas din sa paniniwalang ito, “Ang tunay na sekreto ng tagumpay ay pagsisikap, at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.”
Discussion about this post