Sa hagupit na iniwan ng bagyong Odette sa lalawigan ng Palawan, marami sa mga mamamayan nito ang hindi na piniling magdiwang ng kapaskuhan at bagong taon, kaya naman, sa tulong ng ilang indibidwal ay nagsagawa ang Marine Battalion Landing Team Three (MBLT-3) ng gift-giving activity kasabay ng Relief Operation sa Barangay Tinitian, Roxas, Palawan nitong ika-12 ng Enero 2022.
Naghatid ng mga school supplies, hygiene kits, mga tsinelas, laruan, damit at relief goods kasama ang ilang individwal sa mga mamamayan ng nasabing barangay upang maghatid ng kasiyahan sa kabila ng sinapit noong bagyong Odette. Nagsagawa din ng munting palaro para sa mga batang hindi na nagawang makapagdiwang ng nagdaang kapaskuhan at bagong taon.
Bakas ang kasiyahan at galak sa mukha ng mga mamamayan ng Brgy. Tinitian sa tulong at donasyon na nakarating sa kanila.
Ang mga nasabing tulong at donasyon ay nagmula kina Henry Dumasig, Justine Jean Toledo, Hazel Joi Lumbanubg, Maria Alyssa Aborates, Ms Mereyl Aubrey Irader, Ms Yanika Eli Seratubias, Ms Fritzie Pearl M. Paras at Carla Lebante.
Discussion about this post