DailyScooper

Dugong sumabit sa baklad, nailigtas sa Aborlan

By Jane Jauhali

January 21, 2022

Ligtas na at naibalik na sa gitna ng dagat ang isang dugong na napadpad at sumabit sa baklad sa Sitio Aplaya, Barangay Ramon Magsaysay, Aborlan.

Ayon sa nakakita na si Mr. Bucado, residente sa lugar, bandang 6:00 AM, Enero 21 nang abutan na ang dugong ng low tide dahil sa pagkasabit sa baklad na agad pinagbigay alam naman sa barangay kapitan na si Lorenzo Magsipoc, kasama ang kagawad nito na si William Dangan at ang mga barangay tanod.

Ayon kay Mike Allen Gabinete agad siyang nakipag-ugnayan sa munisipyo at sa Palawan Council for Sustainable Development.

“We were then advised sa kung anu-anong possible moves that we can take para ma-save ang dugong,” pahayag ni Gabinete.

Nagtulong-tulong naman ang mga residente upang ito ay maialis at mabuhat sa patungo sa malapit na area na may tubig

Ayon pa kay Gabinete, isa sa nagpahirap sa mga residente upang maibalik ang dugong sa laot ay ang kalayuan ng tubig-dagat na tinatayang nasa 500 meters.

Matapos ang mahigit na apat na oras ay matagumpay naman naibalik sa dagat ang babaeng dugong.