May bago ng commander ang 3rd Marine Brigade sa katauhan ni COL Antonio G. Mangorobon Jr., Philippine Navy (Marine). Pinalitan nito si Brigadier General Jimmy D. Larida PN(M).
Ang change of command ay sinaksihan naman ni Commandant Philippine Marine Corps, MGEN Charlton Sean M. Gaerlan PN(M), na ginanap noong Pebrero 24 sa Headquarters ng 3rd Marine Brigade.
Si Larida ay mamumuno bilang Deputy Commandant ng Philippine Marine Corps at nagsimula ito noong Pebrero 9 a kanyang panunungkulan bilang commander ng 3rd Brigade. Naging matagumpay ito na nagresulta sa sunod sunod na pagsuko at pagtuligsa sa mga makakaliwang grupo.
Kaya naman nagpapasalamat ito sa mga kasamahan na opisyales mga tauhan sa patuloy na pagsuporta at suportahan ang bagong mamumuno sa 3rd Marine Brigade.
Ayon kay Mangoroban, kanya ring ipagpapatuloy ang mga magandang nasimulan, protektahan, pangalagaan at itulog ang pakikipag-isa sa mga partnership, stakeholders upang mapanatili ang kapayapaan.
“It will be an honor and a privilege to serve and fulfill our Mission alongside you. Please join me as we sustain, protect, and improve the gains made by our predecessors. It is also our most sacred task to do our best to fulfill our Mission in this province. We will do all of these under the over-arching command philosophy of our Commandant to be TEAM MARINES in all that we do, guided by our motto of Karangalan, Kabayanihan at Katungkulan. In parallel to this, we will align in single cadence with other WESCOM operational units anchored on the personal mantra of our Commander, Vice Admiral Carlos’ to be Mission first, Men always,” ani Col. Mangoroban
Si Mangoroban ay dating naghatid ng serbisyo bilang Inspector General Philippine Marine Corps at nagsilbi rin bilang Deputy for Marine Operation, Naval Forces West. Tubong Cebu City at miyembro ito ng Philippine Military Academy “Tanglaw-Diwa” Class 1992.