Commander Joint Task Force West Capt. Alan M. Javier PN (GSC), Deputy Wing Commander, Tactical Operations Wing West Col. Richard B. Ramos PAF (MNSA), RADM Donn Anthony L. Miraflor PN, at BGEN. Marvin L. Licudine PA.
Dumalo rin mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sila Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer (PDRRMO) Jerry Alili at LDRRMO III Yanika Seratubias bilang representante ni Governor Dennis M. Socrates, upang makiisa at magbigay suporta sa naturang aktibidad.
Ang aktibidad na ito ay bilang pagpapakita at pagpapataas pa ang moral ng mga sundalong Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng modern defense forces na gaganapin ngayong taon upang makita at mahasa rin ang kapabilidad ng maritime forces ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang na rin ang pagkakaisa ng lahat ng AFP units sa bansa, pati na rin ang Philippine Army, Philippine Air Force, at Philippine Navy.
Ang naturang aktibidad ng AJEX DAGITPA (Dagat, Langit, at Lupa) na isinasagawa ng AFP ay ang paghanay ng aktibong partisipasyon ng Western Command (WESCOM) na sinimulan noong Nobyembre 7 at magtatapos sa Nobyembre 18.
sinimulan mula Nobyembre 07 at magtatagal hanggang sa Nobyembre18, 2022.
Samantala nakatutok sa apat na pagsasanay ang AJEX DAGITPA kabilang ang Table Top Exercise (TTX), Staff Exercise (STAFFEX), Cyber Defense Exercise (CYDEX) at Field Training Exercises (FTX) sa iba’t ibang lugar sa Palawan.
Ang BRP Antonio Luna ang nagsisilbing platform ng joint exercises. Ito ay may kakayahan na magsagawa ng anti-surface warfare, anti-submarine warfare at anti-air warfare.