Photo Credits to Philippine Navy

Defense

U.S Military at AFP, magsasagawa ng pagsasanay sa Palawan

By Jane Jauhali

February 10, 2023

Nagkaroon ng kick off sa lungsod ng Puerto Princesa sa pagitan ng  Philippine Marine Corps at U.S Military Advisory Group (JUSMAG) kahapon ika-9 ng Pebrero, upang pag-usapan ang planong isasagawang bilateral exercises sa Palawan.

 

Ang limang araw na pagsasanay ay  pangungunahan ng Marine Corps Forces Pacific (MARFORPAC).

 

Layunin nito ay upang mapalakas pa ang samahan ng Philippine Marines at U.S Military palitan ng kaalaman sa pamamagitan ng pagpapakita nang galing bilang mga sundalo.

 

Ayon kay Brigadier General Jimmy Larida, (PN) dagdag kaalaman ito upang ipakita ang kakayahan ng bawat sundalo na mas lalo pang mahasa/masanay bilang mga mandirigma.

 

“These staff talks will be the ground for both forces to plan training opportunities that will continue to increase interoperability, strengthen capabilities, and serve as a foundation for Peace and Security in the region,” ani ni Larida.