PUERTO PRINCESA CITY – Arestado ang Kapitan ng Barangay Pagkakaisa pagkatapos na ma raid ang bahay nito at makuhaan ng pinaghihinalaang pakete ng shabu.
Kinilala ang naaresto na si Barangay Kapitan Angelito Arriesgado Flores, 50.
Sa bahay ng naturang kapitan nasamsam ang isang Transparent plastic Sachet na naglalaman ng umanoy pinaghihinalaang droga, apat na live ammunition ng kalibre 38, at isang kalibre 38 pistol na may serial no. 123744.
Ang isinigawang raid ay ang pinagsanib puwersa ng City Drugs Enforcement Unit, City Intelligent Branch, City Investigation Detection Management Branch, City Mobile Force Company ng Puerto Princesa City Police Office at Anti-Crime Task Force ng Pamahalaang Panlungsod na pinangunahan ni Police Chief Inspector Melvin S. Immaculata.
Sa bisa ng search warrant na inilabas nitong Hunyo 20,2018 at pirmado ni Executive Judge Angelo R. Arizala ng Regional Trial Court Palawan sa kasong paglabag ng Republic Act 10591, ang naturang raid ay naisagawa.
Ang paghain ng search warrant ay naganap nitong alas dos ng hapon Hunyo 26,2018 sa Tahanan ng suspek na isang High Value Target (HVT) ng Puerto Princesa City Police Station 1.
Discussion about this post