Arestado sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation ng Bataraza MPS sa Barangay Buliluyan pasado 2:15 ng hapon ika-14 ng Hulyo.
Kinilala ang naaresto na si Aldam Jacoddin Madtaib, 47 anyos at residente ng Barangay Buliluyan, Bataraza.
Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay isang high value individual na pusher. Naaresto ito matapos mabilhan ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu kapalit ang ₱2,000.00 buy-bust money.
Nakuha din mula sa suspek ang pito pang pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.
Samantala, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.