Notorious na drug pusher sa El Nido, arestado

0
690
Contributed Photo
- Advertisement -

Arestado ng mga otoridad nitong Lunes ng mga 5:20 A.M. ang isang lalaking drug pusher na notoryus sa bayan ng El Nido pagkatapos na mabilihan ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu.

Nakilala ang suspek na si Joey Abes, residente ng Sitio Nasigdan, Barangay Maligaya, Bayan ng El Nido. Nakuha din sa kanya ang lima pang pakete ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money, isang rolyo ng aluminum foil at iba pang mga drug paraphernalia.

Ayon kay P/Chief Insp. Starsky Timbancaya, madulas at maingat ang suspek sa pagbebenta ng droga kaya medyo nahirapan ang kanilang asset na makabili dito ng shabu. “Talagang madulas itong suspek natin. Unang attempt ay nakahalata ito, pero may tinatawag nga tayong plan A and plan B, kaya nahuli at nakabili tayo dito ng droga,” saad ni PCI Starkie Timbancaya.

Isa rin daw ang suspek sa dating right hand o kanang kamay ng mga nahuli nilang big time drug pusher sa bayan ng El Nido, kaya lagi itong alisto, hangang sa makatyempo ang tropa ni Timbancaya na nagresulta sa pagkakadakip kay Abes.

“Tinuturo itong si Abes na right hand ng mga dati nating nahuli sa mga buybust operation, malawakan din ang area of operation ni Abes, kaya talagang matunog na ang pangalan nito,” dagdag ni Chief Insp. Timbancaya. Namonitor din ng pulisya ang mga galaw ng suspek at iba pang mga kasama nitong pawang mga tulak din ng droga na tuloy tuloy ang kanila pagbibenta sa mismong araw ng pasko at bagong taon.

“Isa pa, nakakalungkot isipin na naging malakas ang bentahan ng droga nitong December, kaya galit na galit ako. Sabi ko hintayin lang nika na makabalik ako at talagang magkakaroon tayo ng mga series na mga drugs operation,” saad ni Timbancaya. Dagdag pa ni Timbancaya na mas lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang mga drugs operation sa kanyang nasasakupan.

“Yan na ng ang sinasabi natin. Kung hindi sila titigil, hindi rin tayo titigil hanga’t dito tayo sa El Nido. Kung maaari nga patayin nalang natin yan, patayin sa kaso para di na tularan,” dagdag ng hepe.

- Greetings -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here