Photo Credits to DepEd Philippines

Education

DepEd, magsasagawa ng Basic Education Report 2023 sa Enero 30

By Claire S. Herrera-Guludah

January 11, 2023

Isasagawa ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang Basic Education Report 2023 (BER) sa ika-30 ng Enero, 2023.

 

Layunin ng naturang pag-uulat ang mailatag ang tunay na kalagayan ng basic education sa bansa kasabay ng paghabi ng mga nakalinyadang plano at ipatutupad na inisisyatibo ng ahensya upang mapunan ang kanilang mandato.

 

Bukod dito, inaasahan ding magbibigay ang DepEd ng broad report ukol sa Basic Education Report kabilang na ang updates sa isinasagawang pagsusuri sa K-12 Curriculum.

 

Samantala, nakatakda namang ilunsad sa isasagawang Basic Education Report ang kabuuang education agenda at bagong call to action para sa lahat ng Pilipino.