Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Education

Pagbalik ng TESDA sa DOLE, umani ng positibong reaksyon

Claire S. Herrera-Guludah by Claire S. Herrera-Guludah
September 20, 2022
in Education
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Pagbalik ng TESDA sa DOLE, umani ng positibong reaksyon

Photo Credits to TESDA

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Naniniwala ang karamihang mamamayan ng Puerto Princesa at Palawan na makatuwiran ang pagbalik ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ipinahayag ng dating mag-aaral ng TESDA na nagpakilalang si Arriene Miranda, nakatapos ng Bread and Pastry at NC II holder, na mas maraming oportunidad ang lalo pang mabubuksan para sa mga nagnanais na makapag-aral sa TESDA kung ang DOLE na ang siyang mangangasiwa rito, bagama’t naging epektibo naman ang  ahensiya sa pamamalakad nito sa lalawigan ng Palawan.

RelatedPosts

ICMA relaunches student chapter at PSU

PSU School of Medicine, sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan

DepEd, magsasagawa ng Basic Education Report 2023 sa Enero 30

Ayon kay Miranda, maaaring maipagpatuloy ang pagtulong ng DOLE sa mga nakapagtapos upang magkaroon ng pagkakakitaan matapos na makapag-aral sa TESDA ang isang indibidwal.

Kanila ding ipinaaabot ang pagsang-ayon sa naging pahayag ni Senador Jinggoy Estrada hinggil sa muling pagbabalik ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Itinuturing na bahagi ng rightsizing efforts ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang desisyon na ibalik ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE), bukod pa sa ito ay isa sa binigyang pahayag sa reform mechanism na binanggit ng Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Si Senador Estrada bilang chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ay nagpahayag na, “ito ay isang lohikal at makatwirang desisyon. At ito’y naaayon din sa batas, RA 7796, na nagtatag sa TESDA at nagtalaga rin sa kalihim ng labor and employment bilang chairperson of the board ng TESDA.”

Sa panayam naman ng Palawan Daily News kay Antonio Estabillo, isang nagtapos ng kursong Driving and Mechanic sa TESDA, “maaaring sa pamamagitan ng DOLE, magiging mabilis ang  pagtupad naming sa pangarap na makapagtrabaho sa abroad, kaya inaasahang magiging mas matagumpay ang programang ito ng pamahalaang Marcos.”

Isinasaad ng Republic Act 7796 o An Act Creating the Technical Education and Skills Development Authority, providing for its powers, structure and for other purposes, na ang TESDA board ang pangunahing responsable sa pagbabalangkas, pagpapatuloy, pag-uugnay at pagsasama-sama ng teknikal na edukasyon pati na ang paglalatag ng mga patakaran sa pagpapaunlad ng kasanayan, mga plano, programa at paglalaan ng resources batay sa rekomendasyon ng kalihim ng DOLE.

Sa Section 2 ng naturang executive order, isinasaad na ang Kalihim ng Paggawa at Pag-empleyo ang siyang magiging Chairperson sa TESDA Board batay sa Section 7 ng Republic Act No. 7796 or the Technical Education and Skills Development Authority Act of 1994.

Iniutos ng EO No. 5 ang pagbalik ng TESDA bilang attached agency ng DOLE para isakatuparan ang pag-iisa ng mga functional structures ng mga ahensya ng gobyerno na may magkakaugnay na mandato at para isulong ang koordinasyon, kahusayan, at pagsasaayos ng burukrasya.

Bukod dito, binigyang diin pa ni Senador Estrada na “habang ang DOLE ay ang policy-coordinating arm para sa pagsusulong ng kapaki-pakinabang na mga oportunidad sa trabaho, proteksyon ng mga manggagawa at pagtataguyod ng kanilang kapakanan, ang TESDA naman ay tungkuling pangasiwaan ang teknikal na edukasyon at pagpapahusay ng kasanayan.”

Sinabi pa ni Senador Estrada na makatitiyak na mas mapapahusay pang lalo ang institutional capacity ng mga ahensya ng gobyerno kung magagampanan nila ang kanilang mga mandato at makasisiguro tayo ng mas maayos at mainam na serbisyo.

Para naman sa mga bumubuo ng TESDA Palawan at DOLE Palawan, anuman ang  kinakailangang ipagkaloob na programa at proyekto para sa mga mamamayan ay kanilang maayos na ipatutupad batay sa adhikain ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng liderato ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Share9Tweet6Share2
Previous Post

Pagsasagawa ng LTOPF caravan sa Puerto Princesa, isinusulong

Next Post

Palawan 3rd District Cong. Hagedorn, nakipagpulong sa ERC kaugnay sa power crisis sa Palawan

Claire S. Herrera-Guludah

Claire S. Herrera-Guludah

Related Posts

ICMA relaunches student chapter at PSU
Education

ICMA relaunches student chapter at PSU

March 16, 2023
PSU School of Medicine, sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan
City News

PSU School of Medicine, sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan

January 27, 2023
DepEd, magsasagawa ng Basic Education Report 2023 sa Enero 30
Education

DepEd, magsasagawa ng Basic Education Report 2023 sa Enero 30

January 11, 2023
Sen. Tulfo: DepEd Intel Funds, gagamitin pamproteksyon sa mga estudyante
Education

Sen. Tulfo: DepEd Intel Funds, gagamitin pamproteksyon sa mga estudyante

November 16, 2022
Makahulugang pagdiriwang ng United Nation’s Day, pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon
Education

Makahulugang pagdiriwang ng United Nation’s Day, pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon

October 25, 2022
Data loss ng enrollment system ng Palawan State University, nasa 90% naresolba ayon kay Dr. Salvador, university registrar
Education

Data loss ng enrollment system ng Palawan State University, nasa 90% naresolba ayon kay Dr. Salvador, university registrar

August 31, 2022
Next Post
Palawan 3rd District Cong. Hagedorn, nakipagpulong sa ERC kaugnay sa power crisis sa Palawan

Palawan 3rd District Cong. Hagedorn, nakipagpulong sa ERC kaugnay sa power crisis sa Palawan

Resulosyon hinggil sa pag-take over ng National Government sa operasyon ng PALECO, isinulong ni BM Al Nashier Ibba

Resulosyon hinggil sa pag-take over ng National Government sa operasyon ng PALECO, isinulong ni BM Al Nashier Ibba

Discussion about this post

Latest News

Ama, tinaga ang dalawang lalaki ng makita sinasaktan ang dalawa nitong anak

Ama, tinaga ang dalawang lalaki ng makita sinasaktan ang dalawa nitong anak

March 20, 2023
Lalaki, patay sa banggaan sa Narra, Palawan

Lalaki, patay sa banggaan sa Narra, Palawan

March 20, 2023
First Fisheries Caravan held in Quezon, Palawan

First Fisheries Caravan held in Quezon, Palawan

March 20, 2023
Palawan releases Final Notice for Delinquent taxpayers in Coron and Busuanga

Palawan releases Final Notice for Delinquent taxpayers in Coron and Busuanga

March 20, 2023
Statement of the Commission on Human Rights on the discovery of severed body parts in Bacolod City

Statement of the Commission on Human Rights on the killings of barangay officials in Cebu and Maguindanao del Sur

March 20, 2023

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14394 shares
    Share 5758 Tweet 3599
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10154 shares
    Share 4062 Tweet 2539
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9453 shares
    Share 3781 Tweet 2363
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    8381 shares
    Share 3352 Tweet 2095
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    6249 shares
    Share 2500 Tweet 1562
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing