Photo courtesy of unilad.co.uk

Environment

Ordinansang magbabawal sa paninigarilyo at pagtatapon ng upos ng sigarilyo sa lahat ng beach sa Palawan, binalangkas

By Diana Ross Medrina Cetenta

November 14, 2019

NAKASALANG ngayon sa Committee on Environmental Protection and Natural Resources ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawanang panukalang ordinansang magbabawal sa paninigarilyo at pagtatapon ng upos ng sigarilyo sa lahat ng beach ng lalawigan.

Pinabasehan ng may-akda na si Board Member Juan Antonio Alvarez ang resulta ng pag-aaral ng World Health Organization (WHO) na maliban sa negatibong epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng isang tao, nakasisira rin sa kalikasan ang mga itinatapong bilyun-bilyong upos ng sigarilyo sa kada araw. Nasa 30 porsiyento umano ay napapadpad sa mga baybayin na kung saan, aabot sa sampung taon bago ito mabulok at 500 taon o limang siglo bago tuluyang madurog.

Bunsod nito, ipinaalaala ng awtor sa lahat na nakasaad sa Executive Order No. 26, series of 2017 na mahigpit na ngayong ipinagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar sa bansa.

Aniya, kaugnay ito sa mga hakbang pangkalusugan ng Provincial Board na pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan nito at sa mga bisita, lokal man o banyaga, mula sa anumang masamang epekto ng usok ng sigarilyo.

Sa nasabing proposed measure, ang kauna-unahang inihaing ordinansa ni BM Alvarez matapos magwagi sa eleksyon ngayong taon, pinaalaala niyang mahalaga ang pakikilahok ng lahat ng mga lokal na pamahalaan ng mga munisipyo sa probinsiya.

Aatasanang Provincial Health Office (PHO) at ang Provincial ENRO, katuwangangmgaBarangay at mgaMunicipal ENROsapag-i-inspeksyonsamga beach ng lalawigan. Magiging lead agency ang PHO pagdating sa inspection habang sa panghuhuli ay ang Philippine National Police at ang mga tanod ng barangay.

Mapupunta naman sa sinumang nagsumbong ng paglabagang 30 porsiyentong nakulekta ng multa habang ang 70 porsiyento ay didiretso sa pondo ng barangay upang gamitin sa kanilang mga programang pangkalusugan at pangkalikasan.

Ang multa para sa unang paglabag ay P2,000, sa ikalawang pagsuway ay P4,000 habang P10,000 at may kasamang pagbawi sa business permit sa ikatlong pagkakataon kung ang lumabag ay establisyimento.